May mga bagay na mahirap ng baguhin. Mga bagay na kapag nawala na ay mahirap ng maibalik pa. Mga bagay na wala ng saysay kahit anong ayos pa ang gawin natin.
Ngunit ang mga bagay na tulad nito ay hindi maihahalintulad sa sitwasyon ni Elmo at ni Catherine ngayon. Oo, maaaring mahirap ng baguhin o ibalik ang pagkawala ni Catherine pero para kay Julie - may saysay parin ang ginagawa niyang pag-ayos ng nawalang memorya ni Elmo sa asawa nito… na may pag-asa pang manumbalik ang lahat ng detalye ng pagsasama nila.
It matters to Julie. And she knows that it will matter to Elmo too, maybe not today – but someday.
Hindi alam ni Julie kung saan magsisimula sa plano niya kaya naisipan niya munang kunin ang aso niyang si Blue mula sa bahay nila Fonsie. Kasama niya si Elmo ng mga oras na iyon, nagkaroon ng kaunting kwentuhan ang magkaibigan pero kinailangan din ni Julie na putulin iyon dahil may kailangan pa silang gawin ni Elmo.
Nag-aya si Julie na maglakad-lakad muna matapos ang thirty minute ride nila, pinagbigyan naman siya kaagad ni Elmo. Pinark niya lang ang sasakyan niya sa tapat ng isang tea shop, umuorder muna sila mula roon bago magsimulang umikot sa lugar na parehong pamilyar sa kanilang dalawa.
“Julie?” Mahinang sambit ni Elmo habang hawak-hawak nito ang kanang kamay ni Julie.
“Hmm?” Tiningnan naman kaagad ni Julie si Elmo habang karga-karga nito si Blue sa kaliwang kamay niya.
“Nasabi na ba sayo ni Doc ang condition ko?”
Hindi kaagad nakasagot si Julie dahil hindi niya alam kung sasabihin niya ang totoo na matagal na niyang alam ang sitwasyon ni Elmo o magsisinungaling nalang siya rito. “You want the truth?“
“Nobody wants lies.” He joked.
“I know.” She smiled. “And I want to be honest with you-” She bit her lower lip. “And yes, may alam ako.”
Sandali lang silang natahimik pero patuloy parin sila sa paglalakad nila.
“Kailan pa?” Tanong muli ni Elmo.
“Mga two-three months ago?” Napakunot ng noo si Julie ng sagutin niya si Elmo dahil hindi siya sigurado kung magagalit ito o hindi.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Kalmadong sambit nito habang nakatingin lang sa dinaraanan nila.
“Kasi ayokong magulo ang isip mo – gusto ko malaman mo dahil narealize mo na. I don’t want to ambush you or anything Elmo. I hope you understand.” Yumuko siya matapos niyang humingi ng tawad kay Elmo.
“Naiintindihan ko naman. May isa lang talaga akong hindi maintindihan.”
Tumingin muli si Julie kay Elmo ng walang pag-aalinlangan. “Ano yun?”
“We both know na may nanay ang mga anak ko pero bakit parang wala siya sakin? Parang walang nangyari samin kasi wala talaga akong matandaan ni isa simula nung nakilala ko siya.”
“Gusto mo na ba talaga siyang makilala? Handa ka na ba?”
Natagalan bago makasagot si Elmo sa tanong na iyon. Handa na nga ba siya? “Hindi ko alam.” He sighed. “Parang pointless narin kasi.”
“Pointless? What? Why?” Sunod-sunod na tanong ni Julie.
“Wala siya ngayon sa tabi namin so what’s the point of knowing her?”
“Lahat naman ng nangyayari sa atin may reason Elmo.” Tiningnan ni Julie si Elmo kasabay ng paglipad ng buhok niya dahil sa hangin. “And someday I know that it all gonna make sense.”
Nakatingin lang din sa kanya si Elmo. “Right.” He smiled. “Samahan mo ako.”
“Saan?”
![](https://img.wattpad.com/cover/14185740-288-k39267.jpg)
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.