Masayang naglilinis sina Lexa at Julie ang buong bahay except for Elmo’s room dahil nakalock iyon. They were dancing gracefully along with the music. Pawisan man silang dalawa ay hindi nila iyon alintana. Pulot dito, pulot doon. Vacuum dito, vacuum doon. Punas dito, punas doon.
“Lexa?”
Itinigil ni Lexa ang pag-aayos ng throw pillow sa sofa para malingon niya si Julie na ngayon ay naghahanap ng pwede niyang lutuin sa refrigerator. “Yes?”
Inilabas ni Julie ang mga ingredients na pwede niyang ihalo sa pesto na balak niyang lutuin para sa mga bata. Matapos niyang ilapag ang lahat ng iyon sa mesa ay muli na siyang nagsalita. “Okay ba sayo na iwan niyo ‘tong bahay na ‘to?”
“Oo naman po.” Mabilis na sagot ng bata kay Julie. “Excited nga po ako kasi feeling ko we’re about to start a new life.”
“Good to know.” Nakangiti siya habang hinahanap ang pan na paglulutuan niya ng pesto. “Ah Lexa, about Alex. May sakit ba siya?”
“Aside from he’s not yet talking to anyone? Wala naman po.” Nang matapos na ni Lexa ang last touch sa pag-aayos ng mga throw pillow ay pumunta na siya sa mesa para pagmasdan si Julie sa ginagawa nito. “Bakit mo po natanong?”
“Wala naman, nagtataka lang talaga ako.” Nilagyan na ni Julie ng tubig ang pan para pakuluan iyon.
“Julie can I ask you something too?”
Napatigil si Julie sa pagbubukas ng pasta para tingnan saglit si Lexa. “Sure, ano yun?”
“Are you in love with my dad?”
“Ha?” Natawa siya. “Hindi, your dad is my client. Yun lang yun. Why?”
“Because I want you to want dad.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Julie because she knows exactly what Lexa feels. She’s been there. Naranasan niya naring mag-asam ng isang buong pamilya na ipinagkait sa kanya ng tadhana. Pero alam niyang kahit kailan ay hindi iyon maibibigay sa kanya dahil maagang pumanaw ang kanyang ama’t-ina. “Lexa I-”
“I understand Julie. Who would fall in love with daddy? He’s so grumpy.”
Napahagikhik si Julie. “But your mom fell in love with your dad.”
“Yeah, but she left too soon.”
“Lexa-” She paused while she was gazing at Lexa’s pretty face. ”Pano kung sabihin ko sayo na may chance na bumalik ang mommy mo? Will you be happy about that?”
“Of course, that’s my dream Julie, to have a mom.”
“Well that’s what every little girl’s dream.” Itinuloy na niya ang pagbubukas ng pasta at kaagad niya iyong nilagay sa kumukulong tubig. “What do you know about your mom honey?”
She frowned. “All I know is she left us, that’s it.”
Nahalata ni Julie na ayaw pag-usapan ni Lexa ang tungkol sa mommy nito kaya kahit marami pa siyang katanungan sa kanyang isip ay ipinagpaliban niya nalang iyon. Ayaw niyang ambushin ang bata kaya nagshift nalang siya ng topic. “Pagkatapos kong lutuin ang pesto, hihilamusan kita pawis na pawis ka kasi baka magkasakit ka pa.”
“I can manage Julie.”
“But I insist Lexa.” She smiled. “I-check narin natin kung kamusta si Alex. Anyway, are you starving?”
“A little.” She squeezed her hand. “I hope you can stay here every day, medyo sawa na kasi ako sa cereals and fast foods with dad.”
She laughed. “Kapag sawa ka na pahatid ka lang sa bahay, you can stay there as long as you want.”
BINABASA MO ANG
The Letter
FanfictionThis story will show you how twists and turns works.. how the magical word "destiny" play with the entire love story.