Her flight" Flight 701, please be at the station, Thank you" The announcer spoke.
I'm bound to Los Angeles tonight.
" Calli" Sambit ni Kim sa akin. She's one of my team tonight. I envy her, buti pa siya, stable ang lovelife. She is happy with her long time boyfriend.
I received a call from Code.
I answered it, baka importante. Well, kahit naman hindi, sasagutin ko parin ang tawag niya.
" Code, Bakit" I asked him.
There was a minute of silent.
" Huy Code, malapit na akong pumasok sa eroplano. Ano 'yung sasabihin mo?" I asked him.
" Sinungaling" I heard him say. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Andito palang kami sa station while waiting for our flight mamayang eleven pa kase ang flight ko. It's still nine.
" Andito ka ba?" Tanong ko sa kanya.
" Oo" Sagot niya. I looked around. I saw him walking towards my direction.
" Namiss mo agad ako" I told him.
" Oo" Sagot niyang muli.
" Namiss din kita. Huwag kang magalala, alam ko din namang magmiss sayo" I told him.
" Mabuti naman" Saad niya.
" Akala ko ba may inuman na naman kayo ng mga Jaguars." Saad ko sa kanya.
" Bakit, ayaw mong andito ako?" He asked.
" Sira, hindi ba puwedeng nagtataka lang" I told him.
Pinatay ko na ang tawag niya ng makalapit na siya sa akin.
" May selebrasyon ngayon ang mga Jaguars. Ikakasal na si Blue at Makky. Binyag ng pangalawang anak nina captain bukas. Nakadalawa na si Luis at Gabby. Wala pa tayong nasisimulan" He said.
" Oh, good for them. Pacongrats na lang ako. Baka bukas makalawa pa ako makakabalik eh. Sa Los Angeles papunta ang flight ko ngayon, pagpray mo na lang ako para makahanap na ako ng pampalit ko sa 'yo." I told him. Nakita ko ang pag-iba ng mukha niya ngunit hindi ko 'yon inintindi.
" Ninang ka daw sa binyag bukas. At hindi pa ako tanga para pabayaan kang manlalaki." Saad niya.
" Ako bawal, ikaw puwede. Ang swerte mo naman" I sarcastically told him.
" Oo" He answered again. Sarap talaga batukan ang lalaking 'to.
" Sabihin mo kay Gabby padala ko na lang 'yung regalo ko kay Sabina. Kasama na din 'yung kay Zac. Oo nga buti pa sila nakadalawa na. Malay mo makahanap na din ako ng lalaking marunong magmahal at makapagasawa na din ako. Ikaw din, hanap ka na din ng mapapangasawa mo. Sige ka, baka maunahan pa kita niyan" I told him. Nakita kong muli ang pagkuyom ng mga kamao niya.
" Are you shitting on me, Calli?" He then said.
" Iyan , iyan ang sinasabi ko sa 'yo Codee babee. Kung nandito ka para murahin ako, mabuti pa'y umalis ka na lang. Makipag-inuman ka kung gusto mo. Alak lang naman ang solusyon diyan eh. Magpakasawa ka sa alak. Tapos kapag sumakit ang ulo mo kinabukasan, huwag mo 'kong tatawagan okay. Busy ako. Hindi kita masesermonan okay. Sabi ko nga, maghahanap pa ako ng mapapangasawa ko. Aba'y hindi na ako bata para hintayin ko pang tumino ka. Mabuti pa'y maghanap na lang ako. I'm over aged for marriage already. I'm twenty-eight. I bet, you need to find yours too. You're thirty-four, not bad." I told him sabay kita ko sa wrist watch ko.
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.