His womanHera
Umaga na ng mapansin kong parang may mabigat na nakadagan sa may tiyan ko. Dumilat agad ako at dun ko napagtantong wala na pala sa kama ang anak ko, tanging si Code na lang ang meron sa tabi at ang pinakahindi ko pa nagustuhan ay 'yung pagkakataong halos ay magkayakap na kaming dalawa. Mahina ko siyang niyugyog ngunit parang wala itong silbi, hindi gumising ang lalaking katabi ko.
" Code" I called him. Hindi kase ako puwedeng bumangon mula sa kama kung hindi niya inaalis yung kamay niya sa tiyan ko. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit walang silbi, maslalo niyang hinigpitan ang pagpulupot ng braso niya pababa sa bewang ko.
" Code. Alam kong gising ka. Sige na, gumising na tayo. Masnauna pang gumising ang anak natin kaysa sa atin" Saad ko sa kanya, hindi ako puwedeng maisahan ni Code sa ganitong bagay dahil kilalang kilala ko na siya pagdating dito.
He moved nearer to me before whispering something.
" Five minutes more, Heart" Agad namang napalaki ang mga mata ko dahil sa ginamit niyang pagtawag sa akin.
Halos araw araw na ata kong kasama 'tong lalaking 'to na matulog. Hindi ko naman lubos isipin na ang una at huming gabing pinagbigyan ko siyang matulog kasama ako ay naging mashigit pa roon.
" Code gising na, may laro ka pa mamaya kasama ang mga Jaguars" Saad ko sa kanya ng mapansin kong wala siyang balak gumising.
" I wanna sleep more, Heart" He whispered
" Paano yung laro mo?" Tanong ko sa kanya. It's already 6:00, at alam kong 7:00 ang call time ng mga Jaguars dahil 8:00 ang laro nila.
" Kaya na nila 'yun" Parang walang pakialam niyang saad.
" Hoy Code isang grupo kayo kaya kailangan ka nila 'dun." Nagsisimula na naman akong manermon sa lalaking 'to. Kilala ko naman kase ang mga Jaguars, they won't start the game unless complete.
Tapos andito pa 'tong isang nagmamatigas dito.
Dumilat na si Code at napatingin agad sa akin.
Siniksik niya yung kanyang mukha sa aking leeg upang halikan ito bago niya ako dampihan ng kanyang halik sa pisngi.
"Gusto kong manood ka, Heart." Bulong niya.
Wala manlang munang goodmorning
" May lakad ako mamaya. Hindi muna ako makakanood ng laro mo" Saad ko sa kanya. Pero ang totoo niyan, ayokong pumunta dahil ayokong may makakita na naman sa kanya kasama ako. Masakit mang sabihin ngunit ayokong pinagsasabihan nila akong isang malandi, makapal ang mukha. Minsan pa nga may naririnig pa akong mga nagsasabing sa kama lang daw ako magaling kaya hindi ako nilulubayan ni Code. Lahat iyun pilit kong tinitiis kahit alam kong tama naman sila. Wala kaming relasyon ni Code. Ni wala nga kaming tawag sa relasyon namin. It's a no strings attach.
Alam ko rin na may napapansin na ang aking mga magulang dahil parati akong wala sa bahay. Wala naman kase akong magawa dahil ayaw akong pauwiin ng Castaneda na 'to. Kung susubukan ko namang umuwi, pinipigilan niya lamang ako at lahat ng iyun ay nauuwi lamang sa pagniniig namin sa kanyang kama ng paulit ulit.
" Edi walang pupunta" Nagmamatigas niyang saad sa akin. Walang buhay akong napatingin sa kanya.
" May group activity kami ng mga kagrupo ko mamaya kaya baka hindi ko na maabutan pa ang laro niyo" Pinilit gawing parang totoo ang aking boses upang mahikayat siya na paniwalaan ako, hindi pa man din madaling mapaniwala ang lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.