His heartHera
Maaga ako gumising para magluto muna ng pang-umagahan ni Code bago ako uuwi sa amin nang maramdaman kong iba ang pakiramdam ko. Para akong nasusuka na hindi.
Dumiretso muna ako sa banyo dahil talagang naduduwal ako. Sa isip ko, natatakot na ako dahil sa posibilidad na buntis ako. Delayed na ako sa regla ko ng isang buwan at nakapagtataka na iyun dahil regular naman ang pagreregla ko.
Hindi ako puwedeng mabuntis, iyan ang palaging nasa isip ko. Hindi ko naman lubos isipin na hindi gumagamit si Code. All of the act were pure kaya naman natatakot akong makumpirmang buntis nga ako.
I washed my face first before looking at myself infront of the mirror.
Napahawak naman ako bigla sa tiyan ko. Hindi ko namalayang napaiyak na pala ako.
Anong gagawin ko?
My dad will be angry. I failed him. 'Yung anak niyang pinagkakatiwalaan niya ay isang taksil.
Nag-ayos na ako ng aking sarili at dumiretso na sa kusina upang magsimula ng magluto bago pa man gumising si Code.
I was busy when I heard Code come out of his room. Medyo magulo pa ang buhok niya at hindi pa masyadong gising ang mga mata niya.
Naglakad siya patungo sa akin at niyakap agad ako mula sa likod ko.
" Akala ko umalis ka na" Bulong niya sa akin. Pinatay ko na muna yung stove bago ko siya hinarap.
" Aalis na din ako pagkatapos kong magluto ng umagahan mo" Saad ko sa kanya.
" Samahan mo na kong akong kumain Heart." dinig kong saad niya sa akin. Tahimik naman akong napaupo upang samahan na suyang kumain pagkatapos kong ayusin yung mesa.
Kailangan ko munang kumpirmahing buntis ako. Sa ngayon kase, hindi ko pa muna masasabi kung ano ang susunod na gagawin ko kase hindi ko pa nakumpirma kung buntis nga talaga ako.
" Mamaya, nasa basketball court ako. May laro ang mga Jaguars ngayon. I'll be in Valdemar's place tonight and I might come home late." Saad niya, tipid naman akong napatango sa sinabi niya.
" Ba't mo naman sa akin sinasabi iyan?" Tanong ko pabalik sa kanya.
" Simula ngayon, lahat na ng gagawin at pupuntahan ko, ipapaalam ko na muna sa 'yo." Saad niya. Hindi ko alam kung ano ang naisip ng lalaking 'to at biglaan nalang niyang nasasabi ang lahat ng iyun.
Na puwede rin palang mainlove ang isang Code Vans Castaneda.
" Buhay mo at ikaw iyan Code kaya ikaw ang bahala kung ano ang gusto mo." Saad ko sa kanya.
" I'm not going to sleep here tonight until tomorrow" Saad ko sa kanya.
" Why" Matigas na naman niyang saad. Parang hindi manlang patanong ang pagkakasabi niya sa akin.
" 'Dun muna siguro ako sa bahay" Simple ko lang na saad.
Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Naging mahaba ang araw na para sa akin. Napansin ko rin na mabilis akong mapagod. Konting takbo ko lang, hinihingal na agad ako. Madalas din akong maduwal at mahilo. Buti na lang at pinayagan ako ng aming professor na hindi muna pumasok sa subject niya at magpahinga na muna. Umuwi na muna ako ng bahay, halos mag-aalas singko na ng hapon ng makauwi akonsa bahay.
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.