27 : His Madness

54.9K 1.1K 60
                                    


His madness

Hera

Maaga palang ay gumising na ako. Nauna ng pumasok sa opisina sina Dad. Alam kong galit parin sa akin hanggang ngayon si Dad and I cannot blame him for that.

Naghanda na ako upang pumasok. Buti na lang at kahit anong nangyari, hindi parin nagbabago ang oakikitungo sa akin ni Manang Soling.

" Manang, mauna na po ako" Paalam ko sa kanya.

" Mag-iingat ka palagi Iha" Saad naman sa akin ni Manang Soling.

Halos magtatime na ng makapasok ako sa loob ng classroom. Napansin ko naman si Code na nasa may pader malapit sa pintuan ng classroom namin.

" Heart" Tawag niya sa akin.

" Code" I muttered to him.

" I called you many times, hindi mo inaangat ang tawag ko" Saad niya sa akin. Napatingin na lamang ako sa kanya.

" May klase pa ako Code. Mag-usap na lang tayo mamaya." Saad ko sa kanya. Pinilit kong umiwas sa mga tingin niya ngunit huli na ng mapagtanto kong mali ang ginawa kong iyon dahil maslalo niya akong pinigilang umalis.

" Tumingin ka nga sa akin, Hera" He demanded.

Agad naman akong tumingin sa kanya.

" Tignan mo ako sa mga mata, Hera" Bulong pa niya sa akin.

" Bakit?" Tanong ko.

" Umiyak ka ba?" Napansin ko ang pag-iba ng boses niya. Biglaang sumeryoso ang kaniyang mukha.

" Puyat lang" Tipid kong sagot sa kanya.

" Umiyak ka nga" He insisted. Napapikit na lamang ako bago ko siya sinagot.

" Please Code, huwag ngayon, may klase pa ako. Kakausapin kita mamaya" I told him. Huminga siya ng malalim bago niya ako binitawan.

" I'll call you later" He said it like it was a promise.

" Sige" Tanging sagot ko sa kanya. Hinalikan niya muna ako sa labi bago siya tuluyang umalis.

Lalong sumasakit ang puso habang nakikita ko siyang paalis.

Pumasok na ako sa loob ng klase at sakto namang nagsimula na ang aming professor.

Hindi ko na namalayan ang pagbilis ng takbo ng oras. Halos mag-aalas tres na pala ng hapon ng mabasa ko muli ang kanyang text message.

Sadyang hindi talaga ako nakisabay sa kanya sa tanghalian dahil ayokong magtanong muli siya. Dahil aminin ko man o hindi, alam kong masasaktan ko siya ngayon.

Kahit na isinisigaw ng puso ko na mali iyon. Alam ng isip ko na iyon ang masnakabubuti.

Nahagilap ng mga mata ko si Code na naghihintay na agad sa labas ng klase ko tutal alas kuwatro ang huling klase ko ngayong araw. Alam din naman kase niya ang schedule ko.

Nang makalabas na ako binati agad ako ng yakap niya.

" Uwi na tayo Heart" Bulong niya sa akin. Napatango naman ako sa sinabi niya. Tipid siyang ngumiti.

Halos tahimik lamang ako buong oras pauwi sa condo niya. Wala rin kase akong balak matulog sa condo niya. At baka hindi na rin ako dun matutulog.

" May problema ba tayo, Hera. Sabihin mo sa akin at ng maayos ko" He said. Batid kong hindi nadin nagugustuhan ni Code ang ipinapakita ko.

" Code, I'm leaving" Bulong konsa kanya.

The Game Plan (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon