Her strugglesI woke up in my own bed feeling weak and exhausted. Hindi ko rin halos mapuna kung ano ang nararamdaman ng katawan ko. Masakit ang ulo ko at alam ko rin na nilalagnat ako. Mahina rin ang katawan ko. Amoy na amoy ko ang pabango na nanggagaling sa tabi ko.
Bahagya kong nakita si Code na nakaupo lamang malapit sa nakahigaan ko. Mataimtim niya lamang akong pinagmamasdan habang tahimik niyang hinahawakan ang kamay ko.
Isa isang tumulo ang luha niya nang pagmasdan ko siya. Tipid akong ngumiti.
" I'm okay" Saad ko ng pabulong sa kanya.
" Damn it Calli. You are the first woman to scare me like this. And I can't even do something to make it all go away. The plane is ready. We'll be flying in two hours. I've packed your things already. I'll carry you to the plane if that's what it takes to bring you to a good doctor" Batid ko ang pagiiba ng boses ni Code. Takot at pangamba ang tanging nakikita ko sa mukha niya ngayon. Hindi rin niya maitatago sa akin ang mga mata niyang may halong lungkot.
" Para mo na akong pinaglalamayan Codee Babee. Hindi pa nga ako nasa kabaong eh, pinaglalamayan mo na ata ako agad" Agad naman niya akong iniwan ng magsalita ako ng ganoon. Lumabas siya mula sa kuwarto ko patungo sa kusina. Hindi ko na siya sinundan pa. Nanghihina na nga talaga ako. Ngunit kaya ko pa namang maglakad. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko bago ako lumabas ng kuwarto ko.
Nadatnan ko si Code na nakaupo na lamang sa labas ng aking pintuan. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nakapikit ang kanyang mga mata. Umupo ako sa tabi niya. Alam kong naramdaman niya ang aking presensiya ngunit hindi niya ako kinibo.
" Sorry" Mahinahon kong saad sa kanya. Sa siywasyon ko ngayon, hindi ko maikakaila na napaghihinaan din ako ng loob lalo na't hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. I'm in my terminal stage already at alam na alam kong mababa ang chansa na gagaling pa ako. Nararamdaman ko din ang aking katawan. Humihina na rin ako. Napapaiyak na lamang ako minsan dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Ilang minuto na rin ang nakakalipas ngunit hindi parin ako kinikibo ni Code. Tanging ang aming paghinga na lamang ang naririnig naming dalawa. Batid ko rin na hindi maganda ang awra niya ngayon dahil hindi ganito ang Code na kilala ko. He knows what he's doing at hindi mo siya kailan man maiisahan. Alam na alam niya rin kung papaano magtago ng nararamdaman. Ngunit ngayon mga araw na nagdaan, ibang Code ang nakikita ko.
Nagsimula kami sa isang simpleng pagniniig dahil sa kagustuhan ng aming katawan. Ang isa ay nasundan pa ng isa hanggang sa nasanay na rin kami sa ganong sitwasyon.
Hindi ko rin naman maitatangging isang bilyonaryo ang kaharap ko ngayon. Isang lalaking mataas ang ranko sa ating bansa. Kilala siya bilang isa sa mga batang bilyonaryo na nagmamay-ari ng madaming airline companies. Sa pagkakataong ito alam kong walang mawawala sa kanya kung sakali man. Isa lang din ako sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.
Ni hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Hindi ko din alam kung papaano ko ba sasabihin sa aking mga magulang ang sitwasyon ko ngayon.
Napansin ko ang pagtayo ni Code mula sa kanyang pagkakaupo at dumiretso siyang muli sa veranda. Mataman ko siyang pinapansin hanggang sa makarating siya sa labas.
Sinundan ko siyang muli. Tumabi ako sa kanya bago ako nagsalita.
" Code, nanghihina na ako." Pagsasaad konsa kanya ng totoo.
Hindi na ako nagulat pa ng hindi niya ako kibuin.
I stayed silent
Ilang saglit pa ng biglaan niya akong kibuin
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.