25 : His Hera

61.8K 1.2K 97
                                    


His Hera

Hera

Nakaupo lamang ako sa mag shaded part malapit sa pool. Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kanila. Kamukhang kamukha nga talaga ng anak ko ang ama niya. He looks like code very much. Pati mga galawan niya ay kay Code parin niya namana.

" Mommy, come join us" Aya sa akin ng aming anak. Napangiti na lamang ako.

" Maghahanda muna si Mommy ng food sweetheart, anong gusto niyo?" Tanong ko na lamang. Today, I've decided not to go to work. Hindi muna ako papasok.

Because I wanted to be with him.

Kahit sa ganitong paraan lang.

" Mommy, I want Ice cream" Saad naman sa akin ni Phoenix bago siya napatingin kay Code

" How 'bout you Daddy, what do you like" He asked Code. Hindi ko maitago ang aking nararamdaman ng makita kong napatingin si Code sa gawi ko. His eyes were saying everything again.

" Daddy wants Ice cream to" Saad ko na lamang ng hindi sumagot si Code. Napatingin naman si Phoenix kay Code na oara bang tinatanong pa niya kung gusto nga niya talaga.

" Yes, son. I want ice cream to, as long as your mom will prepare it" He said. Umalis na muna ako para ipaghanda silang dalawa ng Ice cream.

" Hera busy ka ba?" Tanong ng isa kong kaklase na biglaan na lang pumasok sa loob ng classroom namin. Mukha siyang natataranta pagkapasok palang niya.

" Hindi naman masyado, bakit?" Tanong ko sa kanya.

" Kase si Code, napaaway sa may soccer field" Saad niya sa akin. Lumaki agad ang aking mata at tumayo na mula sa pagkakaupo ko upang samahan siya pabalik. Ano na naman ba ang naisip ng lalaking 'yun at napaaway na naman siya.

Nadatnan ko siyang may kasuntukan nga, parang wala siyang pakialam sa mundo habang nakikipagsuntukan. Sakto namang parating na din ang mga Jaguars, Dumating si Luis at mabilis na pumagitna sa dalawa.

Halata naman ang dugo sa labi ni Code dahil sa pagsubtok nung kaaway niya. Pero parang namumukhaan ko pa yung lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalaking nag-abot sa akin nung nahulog kong panyo.

Napatingin si Code sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanya na para bang may hinahanap hanggang sa napako ang tingin niya sa akin. Umigting agad ang panga niya ng makita niya ako.

Buti nalang at lunch break ngayon, wala masyadong professor dahil karamihan ay nakalunch break.

Hindi ko siya pinansin at umalis na lamang. Palagi na lang. Nagsawa na ako sa ugali niyang iyon. Kung iyun lamang ang kanyang dahilan sa pakikipag-away, hindi naman na siguro katanggap tanggap iyon. Hindi niya puwedeng basta na lang awayin ang kung sino sino lang.

Nagulat na lamang ako ng mabilis niya akong hatakin at yakapin sa harap ng mga estudyante.

He was catching his breath while he was hugging me.

" I'm sorry" Bulong niya.

" Hindi ko na uulitin" Saad pa niya. Kung puwede lang akong kumalas sa yakap niya, gagawin ko. Kitang kita ko na naman kase ang mga tingin ng ibang estudayante sa paligid namin. At rinig na rinig ko ang mga bulungan nila.

" Malandi talaga. Akala mo naman kung sino" Rinig na rinig ko ang mga katagang iyon na nagmumula mismo sa bibig ng mga estudyante.

" Halika na at gamutin natin iyang sugat mo" Malamig kong saad sa kanya.

The Game Plan (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon