5 : His Hera

92.9K 1.7K 13
                                    


His Hera

Sinalubong agad ako ni mama ng makarating ako sa bahay

" Callista anak mabuti at nakauwi ka dito. Akala namin ng papa mo hindi ka na naman makakadalo niyan. At kasama mo din pala ang boyfriend mo" Bungad sa akin ni mama.

" Mapilit eh kaya sinama ko. Mahirap na, baka umiyak kase hindi ko sinama" Saad ko kay mama sabay tingin ko kay Code. Narinig naman namin ang pagtakbo ni Sammy kay Code.

" Tssk" Saad ko na lamang. Nakita niya kase yung dalang regalo ni Code sa kanya. It was a big robbot toy.

" Tito Code!" He voiced out his name before hugging him.

" Hey, Dude!" Saad naman ni Code sa kanya.

Binigay na ni Code yung regalo niya. Nagpasalamat si Sammy bago niya ako nilapitan.

Second choice na naman ako. 'Tong Code talaga na 'to, panira ng kasikatan. Dapat ako muna eh bago siya.

" Tita Calli, saan po 'yung gift ko?" Tanong niya sa akin. I smiled.

" I'll give you money. Gamitin mo sa pag-aaral ha, bigay ko na lang kay mommy mo okay. You have many toys naman na eh. Kailangan mo pa ba 'nun?" I asked him. Umiling na lamang siya.

" Where's your mom?" Tanong kong muli sa kanya.

" Nasa kusina po tita" Sagot naman sa akin ni Sammy.

Nagpaalam muna ako sa bata bago ko tinungo yung kusina. Iniwan ko muna si Code sa mga magulang ko. He knows what he's doing already. He knows what to say and what not to say.

" Ate" Tawag ko sa kanya.

" Oh my god Callista! Buti naisipan mo pa kaming dalawin" Saad sa akin ng ate ko na halatang busy sa pagluluto ng mga handa ni Sammy.

" Grabe ka naman ate, last month lang naman ang huling dalaw ko dito sa bahay." Saad ko kay ate.

" Tikman mo nga 'tong spaghetti ko kung tama yung lasa" Saad sa akin ni ate.

Hindi ako nagdalawang isip pang tikman iyon.

" 'Tong si ate talaga, alam mo namang masarap eh, pinapatikim mo pa sa akin." Saad ko kay ate.

" Kailan balik mo ulit sa Manila?" Tanong niya.

" Bukas ate. May flight ulit ako bukas ng gabi eh." Saad ko kay ate.

" Hoy grabe ka naman Calli. Parang nagbanyo ka lang dito. Sabihin mo sa boss mo, magaabsent ka muna. Beach tayo bukas libre mo" Saad sa akin ni ate. Kapag si ate na ang nagsabi ng ganon sa akin alam kong maygusto siyang sabihin.

" Miss mo 'ko no" Saad ko sa kanya.

" Hindi ba halata Callista." Saad sa akin ni ate. Niyakap ko siya.

" Miss na ako ni ate Dianne" Saad ko sa kanya.

Dalawa lang kaming magkapatid pero sobra naming mahal ang isa't isa. Nag-asawa ng maaga si ate, balak sana naming sumakay sa eroplano pareho pero maspinili niya ang mag-asawa nang maaga. Ewan ko ba kay ate.

Ilang sandali pa ng maramdaman ko ang presensya ni Code na nasa likod namin.

Napatikhim si ate Dianne.

" Andito boyfriend mo, Callista." Saad sa akin ni ate.

Agad namang nagsalita si Ate

" Code andito ka pala akala ko ba break na kayo ng kapatid ko. Sabi niya sa akin break na daw kayo, eh ba't andito ka?" Gusto ko na talagang sungitan si ate sa pagkakataong ito.

The Game Plan (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon