His angelHera
Hindi ko maitatangging nasisiyahan ako sa nakikita ko. Hindi ko lubos isipin na darating ang araw na makikita ko silang magkasama dahil hindi ko naman hinahangad iyun.
Napakasama kong ina. Kung tutuusin, napakamakasarili ko dahil itong kagustuhan kong hindi na maugnay pa sa buhay namin ang kanyang ama.
Ni hindi ko manlang inisip ang aking anak. Habang nakikita ko silang masaya ngayon, lahat ng mga pagkakataong naisip kong ipagdamot ang karapatan ng aking anak na makilala ang kanyang ama ay paulit ulit na naaalala ng aking isipan.
" Mommy" Tawag sa akin ng aking anak habang masayang naglalaro kasama si Code sa may mesa habang magluluto ako ng hapunan.
" Mommy, puwede po bang matulog dito si Daddy" Napapikit akonsa naging hiling ng aking anak.
My son wants to be with his dad longer. Ilang taon din naman kase ang ipinagkait ko sa kanya at ngayon ko lang talaga nakitang sobrang saya ang aking anak.
Napatingin ako kay Code. Yung mga mata niyang animo'y nakikipag usap sa akin. Kahit hindi man niya sabihin, kilala ko siya, alam kong gusto din niyang makasama pa ng masmahaba ang kanyang anak.
Alam ko din na maskailangan niya ang kanyang anak ngayon. Nabalitaan ko din naman ang nangyari kay Calli.
Calli is a good woman. Wala akong masabi pa sa kanya. Nakita ko mismo kung paano niya minahal si Code. Hindi na ako nagpakita pa sa kanilang dalawa dahil alam ko naman na kahit hindi man sabihin sa akin ni Code, kilala ko siya.
Alam ko ang ibig sabihin ng bawat tingin sa kanyang mga mata.
Isang tingin niya palang, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.
Hindi ko alam kung paano at kailan nagsimula pero gumising na lamang ako isang araw, napansin kong nahuhulog na pala ako patibong na dala niya.
I fell madly inlove with him to the point that I was willing to give myself to him. To the point that I let myself be his woman in bed.
But I never regret meeting him. Hindi ko pinagsisihan na nakilala ko siya at hindi ko rin pinagsisihan na nagbunga ang pagsasama namin.
" Please Mommy" Rinig kong saad sa akin ng aking anak. Hindi ko naman siya matanggihan pa.
Tumingin muna ako kay Code bago ko ibinalik ang aking tingin sa aking anak.
" Puwede naman Sweetheart, kung gusto mo, kay Daddy ka muna tumabi mamaya sa pagtulog" Saad ko. Biglaan namang umiling ang aking anak.
" Pero gusto ko katabi ko kayo pareho, Mommy" Saad niya. Kitang kita ko sa mga mata ng aking anak ang kanyang kagustuhang matulog kasama kami.
Mabilis naman akong tumingin kay Code upang senyasan siya na hindi puwede. Kailangan ko ng tulong niya.
Kailangan siya mismo ang magsalita. Bahala na siya kung anong idadahilan niya basta hindi siya dapat sumang-ayon.
Tipid niya akong nginisihan bago niya ako hindi pinansin.
At talagang wala talagang balak tumulong ang lalaking 'to.
" Sweetheart baka magiging busy si mommy mamaya. I have a lot of things to work with" Pagdadahilan ko sabay tingin kay Code na halata kong wala paring pakialam.Ngumiti naman ang aking anak.
" It's okay mommy. Me and Daddy can wait for you." Saad naman sa akin ng aking anak.
Sakto namang natapos na rin ang aking niluluto. Simple lang naman ang aking niluto, adobong manok, Code's favorite. Iyan ang palagi kong niluluto para sa kanya noon. Ngunit hindi ko alam kung ito parin ba ang paborito ngayon. Baka nag-iba na rin. Nilapag ko na sa mesa ang adobo kasama na rin yung nakuto ko ng kanin.
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romansa[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.