Her Love'Yung mga mata niyang pilit kong inaalis sa aking systema. Yung mga titig niyang ibang ibang ang dating sa akin.
Sa halip na pantayan ko ang mga tingin niya, tila ba nakalimutan na ng katawan kong isang Code Vans Castaneda ang nasa harapan ko ngayon. Pilit kong ibinabalik ang nakaraan upang maipaliwanag ko ng husto ang anumang gusto niyang malaman.
Pilit kong iniisip kung saan ako magsisimula.
" So you want me to hug you all day huh" Parang may panunuya pa ang boses niya ng sabihin niya sa akin 'yun.
Umiling naman agad ako.
" I'm so sorry. Patawarin mo sana ako. Nung gabing makilala kita, I was with my group of friends. Tumakas lang ako sa bahay. I wasn't allowed to go out back then because my dad is a strict man. He rules the house more than anybody else does. He considers me as his favorite and best daughter. Dahil ang alam niya'y itinuon ko lamang ang aking sarili sa pag-aaral. But I don't want to live all my life being a good girl, Code. Sinuway ko ang utos ng aking ama. I went out with friends at nights. I go on different bars, not letting my dad know of it. " I told him.
Nakatingin lamang siya sa akin. Kung puwede lang mapaso ang mga mata ko dahil sa mga tingin niya, kanina pa sana ito napaso.
" I never thought that a single dare that night would lead me to falling inlove with you. Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong iwasan ang nararamdaman ko sa 'yo. I tried avoiding you as much as possible but you never left me alone. You made me fall deeply in love with your charms and sweet words. Nung una, alam kong laro lang ang lahat ng iyun sa 'yo. Na darating din ang araw na magsasawa ka na din sa akin gaya ng ginawa mo sa iba mong babae. Naghintay ako Code. I've waited for that day to come. The day that you would finally call it quits." Mariin akong napapikit ng makita kong humigpit ang yakap niya sa akin. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili upang hindi ako maiyak sa sitwasyon. I am trapped in his embrace and I cannot give up now.
Sa halip ay ipinagpatuloy ko parin ang aking sinasabi.
" Nagdaan ang araw, halos araw araw mo na akong kinakausap. Hinihintay mo ako palagi pagkatapos ng klase. Hindi ka na rin masyadong sumasama sa mga kaibigan mo dahil sa kahihintay mo sa akin" Wika ko sa kanya.
" Anong gusto mong gawin ko? Pabayaan ka na lang na mahawakan ng iba. Na pormahan ng iba?" Muli niyang saad sa akin. Hindi ko muna iyun binigyang pansin at itinuloy ang aking sasabihin.
" Mula noon ay nagsimula ng lumabas ang mga bulung-bulungan tungkol sa akin. I was once a little girl but now, I am a wild cat. I supposed to call it all quits Code. Dahil ayokong makarating iyun sa aking ama lalo pa't dumarami na rin ang nakakaalam na may relasyon nga tayong dalawa. Gusto ko nga sanang sabihin sa 'yo lahat ng maayos ngunit palagi kang pinangungunahan ng selos mo. Ayaw kitang ginagalit dahil kung anu nalang ang ginagawa mo" Buong tapang kong sagot sa kanya.
" Dahil ayokong may humahawak sa iyo, Hera. I am a possessive man and you know that. Kung ako, ako lang. Kase ikaw lang, Hera. Kahit kailan, hindi ako nambabae ng tayo pa. Kahit gaano ako kababaero sa mata ng iba, alam kong alam mong hindi ka kailanman nagselos dahil sa ibang babae. Ikaw lang noon Hera. I wasn't this mature before but I knew how to love you." Saad niya.
Lalaki siya. He is a man. At hindi niya kailanman mararamdaman ang nararamdaman ng isang babae.
I looked away. Ngunit ibinalik parin niya ang tingin niya sa akin.
" You should have told me, Hera. Kaya naman kitang ipaglaban sa ama mo eh. If only you told me." He breathed in. Lahat kase ng naging desisyon ko noon ay naging makasarili. Ni hindi ko sinabi iyon kay Code.
BINABASA MO ANG
The Game Plan (Completed) [R-18]
Romance[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.