31 : Her Distance

59.3K 1.2K 156
                                    


Her distance

Ayoko munang pansinin si Code dahil parehong mainit ang ulo namin. Kahit kailan, hindi naging maganda ang pag-uusap naming dalawa. Palagi nalang itong napupunta masmatindi pang awayan.

Lagpas alas nuwebe na ng gabi ng marinig ko ang sasakyan ni Code. Alam kong galing na naman siya sa bahay ng isa sa mga Jaguars. Wala naman kase akong kilalang ibang kasama niya bukod sa mga Jaguars. Ilang minuto lamang ang nakakalipas ng marinig ko ang paglalakad niya palapit. Nasa kabilang kuwarto ang aming anak kaya naman ang alam ko'y doon siya didiretso. Nagtaka na lamang ako ng marinig ko ang ingay ng pagkatok niya sa labas ng kuwarto ko.

" Hera" Wika niya. Base sa kanyang boses, alam kong nakainom siya.

" Hera, alam kong hindi ka pa tulog. Pagbuksan mo ako ng pinto, kailangan kitang makita" Wika niya sa labas ng pintuan

Hindi ako sumagot.

" Hera. Kung hindi mo bubuksan 'to, mapipilitan akong sirain ang pintuan. Gusto kitang makita" Ulit niya pa sa huling katagang sinabi niya.

" Kailangan kitang makita" Rinig na rinig ko kahit mahina lamang ang pagkakasabi niya.

Kanina lamang ay wala akong balak pagbuksan siya ngunit walang tigil ang pagkatok niya sa pintuan ng kuwarto ko. Napamura na lamang ako.

Baka magising pa niya si Phoenix dahil sa lakas ng kanyang pagkatok

Dali dali akong bumaba mula sa kama bago ko tinungo ang pintuan upang pagbuksan siya.

" Code ang ingay mo. Mamaya niyan magising pa ang anak mo" Asik ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan.

" Heart sorry na" Mahina niyang saad sa akin.

Napabuntong hinga ako.

" Okay" Wika ko. Saktong isasara ko na sana yung pintuan ng pigilan niya ako.

" Huwag ka ng magalit sa akin. Hindi ko na uulit, Heart" His endearment. Iyun yung nakakuha ng attensyon ko. Pangalawang beses na niyang sinabi iyon sa akin.

" Sige na sige. Okay na. Hindi naman ako galit" Nagtatampo lang. Gusto ko sanang ituloy.

" Papasukin mo ako, Heart" Mahina niyang wika.

" Code hindi puwede" Alam niyang hindi puwede.

" Gusto kong matulog sa tabi mo" Diretso niyang saad.

" Gusto kitang yakapin muli" Dugtong niya pa

" Hindi puwede Code. Alam mong hindi puwede" Saad ko sa kanya ngunit tila ba wala siyang pakialam sa naging tugon ko sa kanya.

" Puwede Hera. Noon pa man, alam mong puwede." Mariin niyang wika sa akin.

" Code. Nakainom ka. And you are not in your proper state of mind tonight. My goodness Code, hindi ako si Calli. I am not the woman you love" Masakit mang isipin ngunit sadyang hindi ko maitatangging nagluluksa parin siya sa pagkawala ng babaeng mahal niya.

" Bullshit! Huwag mong isali sa usapan si Calli." Galit niyang wika sa akin.

Agad akong napaatras ng mariin niyang itinulak yung pintuan dahilan upang makapasok siya ng lubusan.

" Then why are you here in the first place, Code. Your son's room is in the other room not here." Mariin ko ring wika sa kanya.

" Because my woman is here, Hera. Andito ang babaeng nagpabaliw sa akin noon. At ang babaeng nagpapabaliw sa akin ngayon" Wika niya bago hinawakan ang palapulsuhan ko.

The Game Plan (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon