PLSS sana po basahin niyo ito and please vote and comment! thankss :)))
Dedicated rin po pala kay whenitcomestolove kasi po ang gaganda po lahat ng stories niyaaa!
Lalong lalo na po yung So Close Yet So Far, Hundred Days With You (Book 1 to 3), Pati na rin po yung Limelight tsaka A Timeless Love. Basahin niyo rin po yan kasi po worth it po talaga ang lahat ng mga stories niya ^_^ thaaankkyouu~~
P.S: Guys pakinggan niyo rin yung music sa multimedia! Bagay sa chapter na to hihihi :")
================================================================================
Chapter 2- Ang Pustahan
Kath's POV
"Sige na beesss! Punta na tayo sa peryahan puhh-leaseee?" sabi ni Julia sabay beautiful eyes pa! haha.
Nandito kami ngayon sa kwarto. Umalis muna sila mama at papa may aasikasuhin pa daw. You know business stuffs -_-..... Kaya eto nag-aaya si bes na pumunta daw kami sa peryahan. Doon kasi kami lagi tumatambay ni bes nung bata pa kami. Doon din kasi ako minsan nagpra-practice mag painting. Lagi ako nagppainting nung bata pa ako kaya mabilis akong natuto dahil kay Ate Helen.
"Ehh bakit kasi tayo pupunta dun?"
"Ehh kasi ngaaa nami-miss ko nang pumunta dun! At gusto ko rin dalawin si Ate Helen!"
Si Ate Helen nga pala siya yung parang nanay ko na rin kasi lagi niya kaming tinutulungan ni Juls sa lahat ng problema namin. Yung parang siya yung problem solver?
Matagal na rin kaming hindi pumupunta dun kasi...
-Flashback-
Nandito ako ngayon sa peryahan bale 7 years old pa lang ako at kasama ko sila papa at mama kaso gusto ko talagang mag-ikot ikot dito sa peryahan kaya nag-paalam muna ako na mag-ikot muna basta daw wag akong lalayo.
Habang nag-iikot ako ay may nakita akong bench at umupo doon. May fireworks kasi bigla kaya umupo muna ako saglit at pinanood yun. Maya-maya biglang may batang lalaki na umupo rin sa bench at umupo sa tabi ko.
"Bata! Ang ganda ng fireworks noh!" sabi ng batang lalaki.
Hindi ko pa to kilala ah? Bakit parang feeling close to? haha joke sabi kasi sa akin ni mommy don't talk to strangers daw haha eh bata lang naman tong kausap ko ehh... Mukhang magkasing-edad nga lang kami eh..
"Ahh oo nga eh!"
"Alam mo parang kasing-ganda mo yung fireworks...." sabi niya sabay tingin sa akin.
Nanlaki bigla ang mata ko at parang nag-blush pa ata ako? >____<
"PFT! HAHAHAHA! Akala mo naman maganda ka! Binibiro lang kita noh! Ang panget mo kaya!" hawak pa niya tiyan niya habang tumatawa! Wagas naman to maka-tawa! Akala mo end of the world na!
Nakakainis naman to! Akala niya gwapo rin siya noh? Ang panget rin kaya! Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"WOOOW! Grabe ha! Akala mo gwapo siya! Eh ikaw nga rin eh! Ang panget mo na nga ang payat mo pa!" hahaha buti nga sa kanya! tawa lang ako ng tawa pero siya ang sama ng tingin sa akin. HAHAHA buti nga sa kanya :P!
"PSH! Oh sige magkaroon tayo ng pustahan!!!" abaaa may pa-pustahan pa tong nalalaman haa?
"Tsss.. Oh sige ano namang pustahan yon aber?" hahaha natatawa pa rin ako sa mukha niya! ang seryoso ehh xD
"Dapat walang pupunta dito sa peryahang ito hangga't hindi lumilipas ang 11 years! Pustahan na lang pag malaki na tayo kung sino ang mas panget sa atin? Doon makikita kung talagang panget ako at panget ka! Ano payag ka?"
"Tsss... Yun lang pala bata eh! Sige ba pustahan rin na maganda ako pag-laki ko! Hmp!" haha eh yun lang pala ehh...
"Psh... Gwapo pa rin kaya ako pag-laki ko noohh!" binelatan ko na lang siya...
"Hindi pa yata tayo magkakilala ahh? Eh paano tayo magkakakilala pag-laki natin kung di pa natin alam ang pangalan ng isa't isa?"
"Oh sige na nga! Ako si Daniel John! Ikaw ano pangalan mo?" suss di pa niya sinabi apelyido niya...
"Kathryn Chandria." sabi ko. Tumango lang siya tss...
"Teka pwede ba Jayjay nalang itawag ko sa iyo?" sabi ko ulit sa kanya. PFFTT hahaha pinipigilan ko na lang tawa ko! Baka mahalata ehh...
"Pwes! Kung yun lang ang itatawag mo sa akin edi Rynryn din itatawag ko sayo! hahahaha RYNRYN!"
"CHE! Bahala ka na nga sa buhay mo! JAYJAAAYY!" tapos yun tumakbo na ako pabalik kila mama pero bago ko yun gawin lumingon ako saglit sa kanya at ayun tawa pa rin ng tawa! Hawak pa nga ulit tiyan eh! Tss.. nabaliw na ata!
"HOY! JAYJAY! Hinay-hinay lang ha! Baka mamaya mabaliw ka pa!" hahaha bahala siya diyan..
"HAHAHA Baka nga! Baka mabaliw ako sayo RYNRYN! HAHAHA!" che! bahala na nga siya diyan...
Pero habang pumupunta ako pabalik kila mama hindi ko talaga mapigilan ngumiti...
-End of Flashback-
"HAYYY! Oh sige na nga bes! Para na rin makita ko na si JAYJAY!"
Oo alam ni Julia yun. Syempre magbest-friends nga kami eh! Walang lihiman sa amin!
"AYIIEE!! Namiss mo na si Jayjay noh! Siya ba yung first love mo?" bigla nalang ako namula di dahil sa kilig pero sa inis!
"CHE! Asa naman yun! Baka first hate kamo Bes!"
"HAHAHA may nalalaman ka pang first hate diyan ah! Tara na nga!"
Tapos ayun nagbihis na ako ng pang-alis at pumunta na rin kami sa peryahan.
DJ's POV
Hayy nako nakakainis naman tong mga lalaking to! Paano ba naman tinulak ako sa kama. Edi ayun nahulog ako. Kaka-inis nga eh sakit tuloy ng ulo ko
-_-
Bale andito na nga pala ako sa peryahan. Yung mga kaibigan ko ayun nasa kotse. Hindi sumama dun nalang daw nila ako hihintayin.
Alam nila yung tungkol sa batang Rynryn na yun dahil kinuwento ko na sa kanila. Alam niyo ba kung bakit ko ayaw pumunta sa peryahan? Ehh kasi nga nung bata pa ako may isang batang babae na naglakas-loob na sabihin na panget ako eh ako rin naman eh sinabihan ko siya ng panget haha! Pero dahil din sa kanya ayaw ko nang pumunta sa peryahan kasi nasanay na ako ehh sa loob ba naman na 11 years na pustahan namin sinong magla-lakas na pumunta ulit dito? Ehh ang dumi na nga nitong peryahan Tch. Ngayon lang nililinis.
Basta ako baka ito na yung huli kong pagdalaw sa peryahan. Basta makita ko lang yung si Rynryn kung pangit pa rin hanggang ngayon haha. Pustahan talo lang iyon sa akin ehh halos lahat nga ng babae nagugustahan ako eh siya pa kaya?
Habang hinahanap ko yung si Rynryn umupo muna ako sa isang bench...
Pero biglang may umupo rin na babae sa tabi ko..
Kaya parehas kami napatingin sa isa't isa at...
"JAYJAY!?"
"RYNRYN!?"
Sa wakas nakita na rin namin ang isa't isa...
---
Lukso ng dugo ang pagkakakilala nila muahaha xD
Ano kaya sunod na mangyayari?
Hmm.... Alamin niyo na lang sa next chapter!! ;)
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT THANKS! :)))
-L.K
BINABASA MO ANG
My One and Only YOU
Hayran Kurgu• YOU duology series #1 • (REVISING. Medyo magulo pa ang mga chapters kaya aayusin ko muna.) Mahirap intindihin ang love... Bakit? dahil pag nagmahal ka lagi kang masasaktan, magseselos, mababadtrip, at iiyak... Pero ang tanong ang love ba ang mahir...