Chapter 28- Love is our weakness

229 5 0
                                    



Chapter 28- Love is our weakness



Kath's POV


"Tara na, Bes! Bilisan mo aber!" Ano ba naman tong si bes di makapali eh! Paano gusto akong pasuotin ng two piece! Eh ayoko naman. So ang ginawa ko nag-two piece nga ako pero nag-shorts ako. Haha yung maikli lang naman. Baka kasi magalit na naman si DJ papalitan na naman baiting suit ko eh. Tapos nag-patong rin ako ng white na see through basta yun!

Lumabas na ako dito sa shower at lumapit kay Bes. Actually lahat ng girls dito si Bes, Ate, Sofia, Jane naka-two piece eh. Ako lang naiiba.

At oo nga pala. Kasama si Sofia at Jane kahit na may kasalanan pa sila sa akin. Kinalimutan ko na lang. Ayoko lang naman sa gulo eh.


"Oh. Bat di ka nag-two piece?"

"Gaga. Ayoko nga. Tsaka alam mo naman si DJ possesive." Napa-iling nalang siya at pumunta na kami sa beach. Lahat sila nandun na ang mga girls at ang P5 nagswi-swimming na... Kami pa lang hindi. Paano ba naman hinintay ako ni Juls eh.


Nang mag-swimming na kami nag-kanya kanyang trip kami. Nag-basaan, nag-hulugan, nag-racing at kung ano anong trip pa hanggang sa nagkaroon kami ng sariling mundo ni DJ.

"Buti naman at di ka nag-two piece."

"Psh. Ayoko naman talaga eh."

Napatingin siya sa mga nagje-jetski at mukhang... Gusto niya?


"KC! Gusto mong mag-jetski?" Nakangiti niyang tanong.

"Oo! Game tara!" Sinabihan ko ang mga katropa namin na magje-jetski lang kami. Sabi naman nila baka gumawa lang daw kami ng milagro. Mga siraulo talaga yun.

Binayaran na namin ang jetski at sumakay na.

"Teka DJ, sino ang magda-drive?"

"Ikaw? Gusto mo?"

Tinuro ko ang sarili ko "Ako?"

"Ay hinde, hinde. Siya, siya." Pilosopo pa eh.

"Nyeta ka." Binatukan ko na lang siya at sumakay na sa jetski habang sa likod ko naman sumakay si DJ.

Pina-andar ko na tong jetski ng napaka-mabilis. Hahaha. Paano si DJ ayaw humawak sa bewang ko!

"Ano ba naman yan, KC! Muntik na akong mahulog dun ah!"

"Psh! Kumapit ka kase!" Then yun. Jetski dito. Jetski doon. Hanggang sa masawa kami naisipan na naming kumain. Nandoon na pala mga kasama namin kumakain na.

"Oh ano, Daniel naka gawa--" binatukan ni DJ agad si Les. Haha. Kawawa.

"Siraulo!"

Pagkatapos naming kumain, bigla nalang nawala sila Sofia at Jane. Ewan ko kung san nagpunta yun. Maglilibot lang daw.

Nag-paalam rin kami ni bes sa mga lalake na mag-iikot lang din kami.


Habang nag-iikot kami ni bes may narinig kaming sumisigaw ng "TULOONG!"

Nagkatinginan kami ni bes at agad naming sinundan ang sigaw na yun.

Nakita namin sa isang madilim na sulok sila Jane at Sofia na muntik ng rapin nung mga dalawang siraulong lalake.

Agad kong hinila sila Jane at Sofia palayo sa kanila. Si bes naman cinomfort silang dalawa.

My One and Only YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon