Chapter 25- Biyaheng Forever
Kath's POV
Maaga kaming dinismiss dahil may biglaang meeting daw ang mga teachers.
Mga 12:00 na ngayon pero di ko pa rin tapos tong mga ginagawa ko.
Ang dami kasi naming projects, reports etc. kasi requirements namin to para ma-sign ang clearance namin.
Monday nga ngayon eh. Gusto ko sanang gumala sa mall kasama si bes pero may pupuntahan daw siya.
Ganun din si mama, papa, ate at Daniel.
Lahat daw sila may pupuntahan.
Aba'y matinde?
Iniwan lang ako dito, aber?
Oo. Ako lang mag-isa dito sa bahay.
Nag-day off kasi mga maids namin.
Pero hayaan ko na nga lang sila!
Tatapusin ko muna tong ginagawa ko!
Haysshh! Nakaka-stress.
Sa sobrang daming inasikaso ko ngayon di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Daniel's POV
"Ano? Okay na ba lahat?" Tanong ko sa kanila.
"Oo pre ayos na lahat." Seth.
Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya. Nandito kasi kami sa Glass Garden. Nagha-handa kami para sa birthday ni Kath at ngayon ko na rin siya tatanungin.
Oo, planado to lahat. Ako ang nag-handle ng lahat. Kasabwat ko nga dito ang pamilya ni Kath eh haha at tsaka si Julia.
Lahat rin ng pamilya ni Kath nandito pati na rin ang mga malalapit niyang kaibigan. Syempre pamilya ko rin at ang P5.
Pero shet lang kinakabahan ako mamaya. Kakantahan ko kasi siya tapos... Dun ko na siya tatanungin. Aish! Kaya mo to, Daniel.
"Oh, Daniel. Mukhang kinakabahan ka ah?" Julia.
"Psh. Oo."
"Haha wag ka ngang kabahan! Alam ko namang sasagutin ka ni bes eh! Mahal na mahal ka nun noh!"
"Oh sige salamat, Julia. Ahh teka... Susunduin mo na ba si Kath?"
"Oo bakit?"
"Siguraduhin mong siya ang pinaka-magandang babae dito ha?"
"Gago! Maganda na siya noh!"
"Aray naman." Binatukan pa kasi ako eh.
"Oh sya sunduin ko na siya. Bye." Nag-paalam na ako sa kanya.
THIS. IS. IT.
Julia's POV
Kasalukuyan na akong nagma-maneho papunta kay bes.
Natatawa talaga ako kay Daniel. Haha kabadong-kabado eh. Tch.
Sa bagay, ganun naman lahat ng lalake. Haha dejoke lang.
Nag-park na ako sa tapat ng bahay nila Kath at lumabas na sa audi ko.
Pumasok na ako at umakyat sa taas. Nadatnan ko lang naman ang isang Kathryn na natutulog sa study table niya.
Grabe. Ginawa ng unan yung mga libro oh.
Hayyss. Mahihirapan akong gisingin to.
Kath's POV
BINABASA MO ANG
My One and Only YOU
Hayran Kurgu• YOU duology series #1 • (REVISING. Medyo magulo pa ang mga chapters kaya aayusin ko muna.) Mahirap intindihin ang love... Bakit? dahil pag nagmahal ka lagi kang masasaktan, magseselos, mababadtrip, at iiyak... Pero ang tanong ang love ba ang mahir...