Chapter 3- Hanggang sa muli...

603 9 1
                                    

Hellooo guyss! Sorry natagalan ang update! ^^ At pagpa-sensyahan niyo nalang kung may mga corrections.... Pero i'll try na baguhin kung ano man yung mga mali ^_^

Dedicated po pala kay modernongmariaclara kasi po ang ganda ng mga storiess niyaa *^* lalo na po yung His Personal Slave & His Personal Wife pati na rin po yung My Gangster Husband. Worth it talaga lahat ng mga stories niya and feel free to read all her stories! ^_^ ~thaannkkyouu

============================================

Chapter 3- Hanggang sa muli.....

Kath's POV

Naglalakad na ako ngayon dito sa peryahan si Juls naman nakikipag-usap pa kay Ate Helen.... Nakapag-usap at kwentuhan na kasi kami ni Ate Helen kaya nagpaalam muna ako sa kanila na may hahanapin at kakausapin muna ako saglit...

Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng pagod... Hayyy... Saan ba kasi ng lupalop ng mundo yung lalaki na iyon?!


Kaya umupo muna ako saglit dun sa mga bench pero di ko namalayan na may nakaupo na pala dito kaya agad akong tumingin sa lalaking katabi ko at...


"JAYJAY?!"

"RYNRYN?!"

Woahhh... Grabe akalain niyo yun for 11 years ba naman ehh matatandaan pa namin yung mga mukha namin nung bata pa kami haha..

Nagkaroon muna ng awkard silence bago mag-salita ang isa sa amin.


"Uhmm... A-Ahhh Jayjay ano sino na ang nanalo sa PUSTAHAN natin? Diba sabi mo kung sino ang mas magandang itsura sa atin eh siya ang panalo?" talgang in-emphasize ko yung pustahan para naman makapag-salita siya haha kanina pa to tahimik ehh di ko alam kung bakit....

Agad naman siyang napatingin sa akin at...

"A-Ahh yeah about that pustahan thing let's just... let's just forget about that." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"H-Huh? B-Bakit naman?" Ano ba yan ba't ba ako nauutal? ( ̄ー ̄)


"Ehh kasi parehas naman tayong gwapo at maganda diba? Kaya tatapusin ko na 'tong pustahan natin. Ako ang nagsimula kaya ako na rin ang magtatapos..." Naks. Inamin din na maganda ako. Haha. Eh sa totoo naman e. Lels.

"Sus... Maganda daw ako? Weh? baka mamaya binobola mo lang ako!" Aba. Mahirap na. Baka mamaya binobola lang ako netong lalakeng 'to.

"Ako na nga itong nagmamagandang loob na sabihan ka ng maganda eh! Kung ayaw mo maniwala, edi wag! Binabawi ko na ang sinabi ko! Panget ka! HAHAHAHAHA!" Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumawa siya ng malakas.


"Hoy lalake! Hinay-hinay lang ha! Baka mamaya mabaliw ka na!"

Teka, deja vu, nangyari na ito noon ha?

"Hahahaha! Baka nga! Baka mabaliw ako sa kapangitan mong yan, Rynryn! Pfft!" Letse.

"Leche! Bahala ka na nga diyan! Basta ang pustahan na 'to ay tapos na!" Tumayo na ako at naglakad palayo. Bahala siya dun!

Bago pa ako tuluyang maka-layo, may humawak sa wrist ko.

"Teka!" Sabi niya.

I smirked. Sabi na eh may gusto 'to sa'kin. Hahaha.

Hinarap ko naman siya ng naka-poker face.

"Ano?" Blanko kong sabi.

"Ah, eh, ano, ano nga ulit pangalan mo?" Sabi niya sabay hawak sa batok.

My One and Only YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon