Epilogue

417 12 0
                                    

Epilogue naaaa.. Pls play the song at the side.. Maganda yung song na yun para dito sa epilogue na 'to.

=========================================================

After 5 years...

Kath's POV

5 years passed..... Naging isang famous painter ako. Sikat na ako sa buong mundo dahil sa mga paintings ko. Si Ate Nads engange na kay Kuya James...

Si Juls naging isang sikat na chef rin! Grabe.... Nag-propose na nga si Diegs kay Juls eh.

5 years without him.... Kinaya ko naman. Nakapag-simula ako ng bagong buhay. I became matured. I'm 24 years old now. I dyed my hair into reddish brown...

Pero hindi pa ako tuluyang nakakapag-move on. Minsan naiiyak ako tuwing na-aalala ko yung break-up namin 5 years ago...

Pero kamusta na kaya siya?

Ms. Jean calling...

Halaa... Tumatawag si Ms. Jean.

"Hello po Ms. Jean?"

(Kaaathryn! Gosh I missed you! My favorite student...) oo nga pala si Ms. Jean din tumulong sa akin para maging isang succesful painter. Kaya nga nagpapa-salamat ako ng marami sa kanya eh..

"Hehe kamusta po kayo?"

(Okay lang ako and alam mo ba? May good news ako for you!)

"Sige po ano po yun?"

(You're going to Paris!) OMG. OMG. OMG!

"WAAAAH! Talaga po?!"

(Oo! And bukas na flight mo so mag-empake ka na! May isa kasing nagustuhan ang paintings mo dun!)

"Salamat po talaga Ms. Jean! Malaki po talaga ang naitutulong niyo sa akin! Salamat po ng marami."

(Haha. Walang anuman Kath! Sige bye at ingat ka dun!)

"Sige po salamat po!"

Then I ended the call.

YEEESSS! Parisss! Ang tagal ko ng gustong maka-punta dun!

Nag-empake na ako ng mga gamit ko.

Hindi naman siguro halatang excited ako diba?

**

The Next Day

"Waahh! Good bye beeesssiiee!" niyakap niya agad ako. Nandito na kami sa airport. Nandito sila mama, papa, ate Nads and her fiance and Bes of course with her fiance also.

"Paalam, Anak. Ingat ka dun ha?"

"Opo!" niyakap ko sila mama at papa.

"Omg sis! Hanggang kailan ka dun sa Paris?"

"Hmm.. Mga 1 to 2 weeks siguro, Ate."

"Mami-miss kitaaa! Gosh!" niyakap ko siya. Haha.

Maya-maya biglang tinawag yung flight ko.

"Uhmm... Sige po Mom, Dad, Bes, Diegs, Ate Nads, Kuya James! Byeee!"

"Byeee, Kaaathryn!" sabi nilang lahat. Kinuha ko na ang bagahe ko at umalis na.

**

Nandito na ako ngayon sa Paris... Medyo matagal ang byahe at naka-tulog ako. Haha.

Biglang may lumapit sa aking lalake. Nasa mid 40's na siguro to.

"Are you Kathryn Ambrose?"

"Yes, yes! I am!"

"Nice to meet you! I am Mr. Burden and My friend Jean said that you are a great artist."

"Oh yes, Mr. Burden."

"Okay so you start painting tomorrow and I will exhibit your work to my gallery is it, okay?"

"Yes, Mr. Burden. Thank you." ngumiti ako sa kanya at sumakay na ako sa taxi. Sa hotel ako dederetso. Dun muna ako mag-stay.

**

Grabe ang ganda talaga dito sa hotel na 'to. Kakaiba pala talaga sa Paris... Maganda rin.... Pero mas maganda sa Pinas syempre!

Nag check-in na ako at ang room ko ay 326. So pumunta na ako. Pagpasok ko WOW! Vip room pala to. May isang bed tapos may glass window sa gitna at may malaking curtain tapos kitang kita mo ang mga tanawin basta! Ang ganda...

Pero matutulog muna ako! Kapagod eh.. Mamaya nalang ako maglilibot.

**

Nagising na ako kasi nag-alarm ako sa 3:00 pm. Syempre maglilibot na rin ako at susubukan kong ipinta ang Eiffel Tower! Yiiieee!

Habang naglalakad ako dito.. Naghahanap ng perfect angle para ma-ipinta ko ng maayos yung painting ko..

May nakita akong isang pamilyar na pamilyar na likod!

T-Teka....

P-Parang si Daniel to ah?!

Hinabol ko siya pero sadyang mabilis talaga siya mag-lakad kaya tumakbo ako pero... Wala...

Di ko na siya makita...

Aish! Imposible naman! Baka guni-guni lang to, Kath! Oo, tama!

Aakyat na sana ako sa stairs nang biglang may bumaba....

S-Si DJ...

Hindi ako pwedeng magkamali...

For 5 years.... Ngayon lang ulit kami nagkita...

Mas gumwapo siya sheeeett! At naging cool na ang dating niya...

Para bang nag-slow mo lahat ng tao dito...

DJ na DJ pa rin...

Eto naaa...

Palapit na siya a akin!

WHOO! Just act normal, okay?

Para akong baliw na nakangiti dito..

Eto naaaa...

"Excuse me."

H-Huh?

Nilagpasan niya lang ako?

So.. Ganun ganun nalang?

Kinalimutan na niya ako?

Nawala ang ngiti ko nung biglang tumingin ako sa likod ko..

S-Si DJ..........

M-May kayakap na babae....

I-Imposible....

Kakaiba nag ngiti ni DJ.

Parehas silang naka-ngiti.

Masaya silang dalawa....

Hindi ko namalayan na tumulo na pala mga luha ko....

Am I too late?

AISH! Pero ginusto ko naman to diba?

Ang kalimutan siya?

Pero bakit nilagpasan niya lang ako?

Hindi niya na ba ako naaalala o kinalimutan na niya ako nang tuluyan?

=END OF BOOK 1=

=========================================

Author's Note:

Guyyyssss! Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa storya na ito! Maraming salamat sa inyo! At don't worry may book 2 pa naman ito! Dun ko itutuloy ang karugtiong nito.

Ang title po ng Book 2 ay Still Into You kaya sana po ay basahin niyo!

Click niyo po yung external link para sa book 2 or check my profile para mabasa niyo. Ty (:

-L.K.

My One and Only YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon