Chapter 29- Too many heartaches...
Daniel's POV
Kanina ko pa tinatawagan si KC pero di niya pa rin sinasagot mga tawag ko. Text rin ako ng text pero di man lang siya nagre-reply. Nasan ba siya?!
Sobran na talaga akong nag-aalala sa kanya! Kung pwede lang talaga umuwi ngayon eh! Kaso malayo pa ang byahe. Tsaka may fiesta pa dito panigurado hindi ako makaka-takas dito.
Damn it. Where are you KC?!
Kath's POV
Arghh! Ang sakit ng katawan ko! Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at... At nasa isang abandonadong building ako. Nakatali ang mga kamay ko sa poste.
Fvck it! Where am I?! Hindi ko pa naman dala phone ko!
Maya-maya may lumabas na tatlong babaeng naka-mask.
Nag-smirk yung babaeng nasa gitna at sabay sabay nilang tinanggal ang mga mask nila.
S-Sila.... JULIE, SOFIA AT JANE....
"Well...well...well. I told you. You're gonna pay." sabi ni Julie.
Teka! Ibig sabihin.... Siya yung nag-threat sa akin sa message?!
"Ano bang pinagsasabi mo, Julie?! Wala naman akong ginawa sayo ha?!" sigaw ko sa kanya.
Bigla niyang hinila ang buhok ko. Medyo ang sakit ng pagkaka-hila niya. Sht.
"Hindi mo ba alam, Kathryn?! Marami kang ginawa sa akin! MARAMI!" then binitawan na niya ang ulo ko at inuntog ang ulo ko sa poste.
Manhid na kung manhid pero wala akong nararamdaman. Halos dumudugo na ang ulo ko.
"A-Ano bang ginawa ko sayo?!"
"Hindi mo ba natatandaan?" A-Anong bang pinagsasabin nito?!
"H-Hindi!" bigla niya akong tinuro at bigla nalang akong sinampal, sinipa at tinadyak nila Sofia at Jane.
Di ko alam na tumutulo na pala mga luha ko.
"ANO?! HINDI MO PA BA NATATANDAAN?!" sigaw ni Julie.
"HINDI NGA SABI! IPALIWANAG MO NGA SA AKIN KUNG ANO YUNG MGA GINAWA KOSAYO!" sigaw ko sa kanya.
"Isa ka palang matapang na babae, Kathryn." then she smirked. Maya-maya lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko.
"Ikaw lang naman ang umagaw sa mga mahal ko, Kathryn." Wala akong inaagaw.
"Hindi ako magnanakaw, Julie!"
"Hindi? Nariring mo ba sarili mo, Kathryn?!"
"OO! WALA AKONG INAAGAW SAYO!"
"Ako si Sandy." nabigla ako sa sinabi niya. H-Hindi maari.
"Oo, Kathryn. Ako si Sandy. Isang nerd. Elementary pa lang lagi na akong tinutukso ng mga kaklase ko. Lagi rin akong nadadapa, Kaya sinasabihan na rin nila ako ng lampa. Pero isang araw... Grade 4 ako nun at grabe na ang panunukso sa akin ng mga kaklase ko. Biglang dumating si Quen. Ipinagtanggol niya ako. Binantaan niya pa nga ang mga kaklase ko na kung sino man daw ang manukso sa akin sasapakin niya daw. Since then, Naging mag-bestfriends kami."
"Time passed by. Di ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya. Grade six ako nun. Aamin na sana ako sa kanya pero bigla niyang sinabi na nagugustuhan ka na daw niya. Siya ang admirer mo, Kath. Itinago ko nalang ang feelings ko sa kanya. Kahit na nasasaktan na ako. Pumunta ako sa states... Dun muna ako nag-first year hanggang fourth year. Akala ko nakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya. Pero hindi pa pala. So nag-paganda ako. Pinalitan ko na rin ang pangalan ko to Julie. Bumalik ako dito nung-first year college na."
BINABASA MO ANG
My One and Only YOU
Fanfic• YOU duology series #1 • (REVISING. Medyo magulo pa ang mga chapters kaya aayusin ko muna.) Mahirap intindihin ang love... Bakit? dahil pag nagmahal ka lagi kang masasaktan, magseselos, mababadtrip, at iiyak... Pero ang tanong ang love ba ang mahir...