Dumating na ang teacher/adviser namin na si Miss Jenny Smith. Di ba nga 1st day namin? Kaya siya ang 1st subject namin. Ang 1st day sa Christine Academy ay parang 1st day ng College,wala masyadong teacher. Di ko din alam kung bakit e hahaha, nakaugalian na din sa school na to na kahit 1st day ay iarrange na namin yung sarili namin alphabetically. Depende na sa teacher namin kung papalitan pa yun. At dahil siya si Miss Jenny, papalitan niya.
Ang sistema ng pagpapalit ng upuan namin ay palabunutan. Every year iba iba ang way nya. Bakit ko alam? Syempre bali-balita. Siya ang pinaka-cool na teacher dito sa CA. Ngayon ako na ang bubunot kung sino ang makakatabi ko dahil tapos na ang boys sila ang bumunot kung saan sila uupo.
At ang nabunot ko ay si Sky. Ohh.. siya yung tinutukoy ng lahat na nakakatakot maging seatmate. Bakit kaya? Di naman sya nangangain mg tao dba?^_^ Siguro di lang friendly yung mga taong nakakatabi nya. Kung tutuusin naman kasi, gwapo si Sky, pero ramdam kong may mali sakanya. At alam ko din kung ano yun pero di ko sasabihin hahaha hulaan nyo!^_^ Teka,babatiin ko lang sya.
"Hi Sky! Ako ang seatmate mo, di ako natatakot sayo kaya wag ka ding matakot sakin ha? Hihihi. Kamusta ka na? Maayos ka ba dyan?^_^"
"Ang daldal mo!! Pwede ba manahimik ka lang? Di kita kelangan. Wala kong pake sayo! kaya kung gusto mo pang mabuhay lumayas ka na sa tabi ko! Letse!" sabi nya saken.. *smirk* Iba pala talaga si Sky. Diko inexpect na magiging ganto sya saken. Hahaha, pero wala kong pake^_^ di ako iiyak.. di ako iiyak.. hindi ako iiyak..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Huwaaaaaaaaaaaaaa!!!!!! Inaaway niya ako huwaaaa!! Kim inaaway ako ni Sky!! Kiiiiiiiim huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" di ko kinaya e T.T
"Hoy Sky,pwede ba! Babae yan! Wag kang bastos!" sigaw ni Jokjok kay Sky huhuhu
"Enough!!! Sky, be gentleman! Haley, stop crying like a baby! and you Kim! Go back to your seat! NOW!!!!!!" sigaw ni Miss Jenny, katakot.. automatic akong natahimik pati na din ang buong klase. Kakatakot:'(
Bago bumalik sa upuan si Jokjok ay may ibinulong ito sakin.
"Huwag ka matakot Mags,andito lang ako."
Ang bait talaga sakin ni Jokjok, kaya mahal na mahal ko yang kaibigan kong yan e^_^
---
Pagtapos naman ng insidente kanina, diko na masyadong pinansin si Sky, natatakot kasi ako e.. baka ipahiya pa nya ko ulit sa klase, tho expected ko na yun kahit di ko alam kung kilala na nya ko :)
Nagkukwento lang naman si Miss Jenny, tungkol sa mga plano niya para samin na klase niya. Madami talagang alam na pakulo si Miss Jenny,kaya naman lahat ng nahahawakan niyang section ay umaalis ng eskwelahan ng masaya dahil sa mga baon nitong experience sa pagtahak nila sa bago nilang journey. Kaya syempre, I am looking forward to this:):) at base din sa mga plano nya...
Mukhang magiging masaya to...

BINABASA MO ANG
I'm SPYcially for You [Revising]
RomanceKim Jonas Arellano is a guy with money,power and 'friends'. For him everything is falling into their right places. His business, his relationships and his life. But one day, his so-called 'friends' are dying one by one. A woman came and told him she...