Chapter 6

46 2 0
                                    

2nd day na ng klase, well ngayon din ang umpisa ng isa sa mga plano ni Miss Jenny para sa klase. Gusto nyo ba malaman kung ano? Inatasan niya lang naman kaming lahat na alamin ang ugali ng mga seatmate namin at kung bakit naging ganon ang ugali namin. At sa tingin ko,mahihirapan ako sa pagkilala sa Sky na to. Pero sana naman, tumalab ang charm ko bilang Princess dito sa school. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Sky na mabilis kumalat sa buong school at ibang school hahahaha!!

(flashback)

"Princess! okay ka lang ba? wag ka mag alala di na niya mauulit yun. Pinatawag ko na ang mga body guards ko para.. blah blah blah" sabi ng diko naman kilalang lalaki sakin na nginitian ko nalang.

"Miss Haley, okay ka lang ba? Ang sama niya. Di nya dapat ginawa yun sayo. Kwawa ka naman" sabi naman ng isang babaeng ewan ko pero I don't like her. Kaya nilampasan ko lang. Na naging dahilan para matigilan ang lahat ng estudyanteng nakakita ng nangyari dahil first time lang mangyari yun. Na nag-snob ako ng bumabati sakin..

Ayoko ng kinakaawan ako, dahil yan ang pinangako ko nung nawala si mommy. Pero alam kong sa ginagawa kong to, ganon ang nangyayari, pero syempre no choice naman ako.

At dahil napahiya siya, hinablot nya ang buhok ko,syempre nabigla ako! pero agad akong nakabawi dahil dumating si Jokjok at hinila ako patayo. Ewan ko pero lagi niya kong nililigtas, kapatid na talaga ang turing niya sakin...

(end of flashback)

Nagsisimula na pala sila! Hala di ko napansin :'( napag iwanan na nila ko.. huwaaaaa!!:'( Hay,kakausapin ko nga tong si Sky,sana naman maging maayos ang lahat.

"Uhm,hi Teddybear!^_^" hindi niya ko pinansin (>_<) Kakainis, ahm isa pa.

"Hi cupcake!^_^" di pa din. Di ako susuko!! "Hi HONEYBUNCHSUGARPOPCOTTONCANDYLOLLIPOP SKY!!" atlast, tumingin din sya. Aba,HTG pala sya. kaiyak:( pero ang mahalaga.. lumingon na sya.

"Simulan na natin yung activity! Ang ingay ingay mo!!" sigaw niya sakin.

"Sige,Sky ano ba mga ugali mo at inaayawan ka ng mga seatmate mo?^_^" masiglang tanong ko sakanya. Pero isang death glare muna ang natanggap ko bago ang sagot niya.

"Nagtataka ako kung bakit tinatanong mo pa yan,kahit na halata naman sayong kilala mo na ako. Pero sige,sasabihin ko kung ano ang ugali ko para matapos na to. Masungit,walang awa,matapang at mahilig mampahiya sa mga taong gaya mo na akala ay hawak ang mundo o kaya napaka-ingay. Bakit ako ganito? Simple lang. Gangster ako, at alam ng lahat yun." sabi niya ng di tumitingin sakin.

As expected hihihihi^_^ masaya pala to. Buti naman di ako nahirapan masyado sakanya^_^ ngayon ako naman..

"Ako naman ang ugali ko ay, masayahin,pala-kaibigan, ahmm ano pa ba? makulit tapos cute hihihi. Kaya ganito ko kasi ganto ako pinalaki ng dada ko^_^" sabi ko naman ng nakangiti at tingin sakanya kaso, nagsmirk lang sya. Hayyy:)

"Talaga lang ha." sabi ni Sky na naging dahilan ng pagtataka ko. Kilala niya ba ko? Imposible.

"Oo naman Sky. Hihihi,bakit? Isa ka ba sa mga teddy bear ko para malaman yung iba ko pang ugali? Hahaha, ikaw Sky ha. Di ko na nga sinabi yung iba kasi mukhang di ka interesado e. Pero dahil alam mo na sasabihin ko na sayo^_^" sabi ko sakanya. Magsasalita na sana ko ng bigla nyang pinutol ang sasabihin ko..

"Di mo na kelangan pang ipaliwanag. Dahil kilala na kita,matagal na."

"Kung ganun, edi mabuti hihihi^_^" sabi ko nalang.

Sakto namang tapos na ang time ni Ma'am kaya natahimik na ulit ang klase.

[Kim's POV]

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon