Chapter 16

18 1 0
                                    

[Mags’ POV]

Isang linggo na ang nakalipas after ng revelation ni Penelope. Ayun, after ilang araw balik nanaman sila sa pagiging teddy bear ko. Sabi pa nga nila na kahit daw nagpanggap ako e tanggap nila ko dahil mahal daw nila ko. Na kung mahal mo daw ang isang tao, matatanggap mo kung ano ang kanyang pagkakamali at pakikinggan sya. Pero sa case nila, hindi na nila hiningi ang paliwanag ko at tanggap na nila ko agad. Paano ko nakakasigurado? I saw sincerity in their eyes. Bihira mo lang makikita ang ganon. Kaya napag-isip ko na dapat kahit hindi ako ang sweet at adorable nilang prinsesa e walang magbago at pansinin ko pa din sila. Dahil sila lang yung andyan at hindi ako iniwan. Di gaya ni Jokjok..

After ng incident, hindi na ko pinansin ni Jokjok. Ni tingnan di nya magawa. Parang galit na galit sya sakin. O siguro nasaktan ko lang talaga sya kasi nga, hindi ako nagpaka-totoo sa kaniya. Sa tuwing naiisip ko yung nangyayari samin ni Jokjok may tanong akong nabubuo sa isip ko.. Mababaw lang kaya ang pagmamahal nya sakin kaya hindi nya ko matanggap? O kung mahal nya kaya talaga ko? Baka naman nililigawan nya talaga si Penelope habang nililigawan nya ko? At mapapatwad nya kayak o sa pag-papanggap ko? Lalo na dun.. kung ito pa nga lang di na nya ko matanggap paano pa kaya dun?=(

Pero wala e, kelangan kong harapin. Kelangan kong tanggapin. Wala naman akong magagawa e, gusto ko lang syang sumaya pero.. parang lalo ko lang syang nasasaktan at masasaktan:(

Nasa rooftop lang ako buong umaga, oo after nung incident bihra na din ako pumasok. Pero naabutan ko pa yung explanation ni Miss Jenny tungkol sa nangyaring outing ng klase..

(flashback)

“Okay class, alam kong nagtataka kayo kung bakit wala tayong activity na ginawa nung nasa outing tayo. My explanation is that, gusto kong mas magkakilanlan kayo. Sabi nga nila, mas makikilala mo lang ang tao kung magkakasama kayo sa iisang bahay. Kaya nga bahay ang inupahan natin dun e. At base naman sa observation ko, mukhang may mga nalaman naman talaga kayo sa isa’t isa. A great example is Miss Penelope Galvez and Margarette Supremo. Bukod sa away ng dalawa, madami pa kong nasaksihang away. Ngayon, gets nyo naba? In short, discovering things in your own. Yung mga magkakasama sa kwarto nakita nyo kung paano matulog at mag-ayos ng gamit at sarili nya ang inyong room mate. Kung ano ang itsura pag bagong gising. In just a short span of time you discover many things about each other. Tingin ko naman effective dba Miss Margarette?”

(end of flashback)

Paepal talaga yung Miss Jenny na yon! Kaya gahil don, tinamad na ko magpapa-pasok.

Magla-lunch na andito pa din ako. Ano kayang dadalhing pagkain sakin nila Sophia? Gutom na ko grrr…

[Kim’s POV]

Isang linggo na ang lumipas, hindi ko pa din kinikibo si Mags, hindi na ko galit sakanya. Tanggap ko na sya, naisip ko lang yung sinabi ng mga fans nya one time na kinausap nila si Mags, it’s not eavesdropping. Aksidente lang na dadaan ako. Sa loob ng isang linggo, pinag-isipan ko yung mga sinabi nila kay Mags.

To think na ako yung mas malapit kay Mags pero ako yung di makatanggap sakanya, samantalang yung mga fans nya natanggap agad sya. Parang ang tindi ng pagmamahal nila kay Mags! At ako? Parang naisip ko nagda-doubt siguro si Mags sa feeling ko towards her, ang dami naman kasing pangyayari. Hirap akong i-process sa utak ko. Isa pa dun yung nangyari kay Mommy..

(flashback)

Nasa byahe na kami pauwi bigla kong naalala yung phone ko. May text nga pala don! Agad kong kinuha yung phone ko at tiningnan yun..

135 unread messages.

Ang dami naman, dinelete ko yung mga flood text ng unknown numbers sakin, ang natira nalang ay 10 messages, 6 na text galling sa doctor ni mama at apat naman kay Chloe. Binasa ko yun..

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon