Chapter 13

30 1 0
                                    

[Mags' POV]

Naglalakad lakad lang ako dito sa tabing dagat.. nag iisip isip. Bakit ba ganito? Parang ang lungkot lungkot ko. Parang napapagod ako. Parang... hayy ewan:( Readers, alam kong hindi ako isip bata kapag kausap ko kayo.. pero sa kanila ganon pa din naman ako. Pero bakit parang may nakakaalam ng totoong ako?:( Sana lang hindi malaman ni Kim yun.. baka ayawan nya ko e. Baka hindi nya na ko maging kaibigan..

Ay!! De okay lang kung malaman nya! Tutal may Penelope naman na sya e!! Porket ang tagal ko magpaligaw:( naghanap na sya ng iba:( Mahal ko naman na sya e:'( ha? ano sabi ko? Ah, Oo mahal ko naman sya syempre kaibigan ko sya hahahaha hayst..

Habang naglalakad ako, nakita ko si Sky nakatingin sakin. Nilapitan ko sya.

"Ano bang alam mo?"

"Lahat ng di nila alam."

"Sino ka ba talaga?"

"Pareho lang tayong dalawa."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hanggang ngayon nagmamaang-maangan ka pa din. Nagpapanggap kahit tayo nalang ang magkaharap."

"Hindi kita maintindihan."

"Sabi ko nga sayo, hindi habang buhay makakapagpanggap ka. Diba Margarette Haley Supremo?"

"Hindi pa din kita maintindihan. Tska anong sinasabi mong alam mo na hindi nila alam?"

"Hahaha, you're very good. Playing innocent huh? Diba ikaw? Ikaw lang naman yu---" di nya natuloy yung sinabi nya kasi dumating si Agatha.

"Hoy Margarette Haley Sumpremo! Kanina pa kita hinahanap babae ka! Baka gusto mong kumain muna bago ka makipag tsismisan sa lalaking yan?! At ikaw Sky! Baka gusto mong itigil na ang panggugulo?!"

"Hindi ako nanggugulo. Gusto ko lang matapos na yung panlolokong ginagawa nyo."

"ABA! WALA KANG ALAM KAYA DAPAT WALA KANG PAKIELAM!!!! Tara na nga sa kainan Haley baka masapak ko pa to!"

"Well, enjoy nalang kayo. Kasi sinisigurado ko.. malapit na matapos yan."

Ano bang alam nya? At kung alam nya yun.. paano nangyari yun?! Imposible. Siguro.. Iniinis nya lang ako. Sana nga ganon.

"Girl, parang may alam talaga sya." biglang nagsalita si Agatha.

"Hayaan na natin yun, siguro iniinis nya lang tayo."

"Sana nga kung hindi. Malalagot tayo."

Hayst...

[Kim's POV]

Hindi ko nahabol si Mags, kasi etong Penelope na to ayaw bitawan ang braso ko. Ayoko naman syang ibalibag baka machismis pa ko. Snabero lang ako, pero di ako nananakit ng babae. Konti lang haha.

Pero.. nag aalala ko samin ni Mags. Imposible bang maging kami na?:( bakit ba naman kasi kung kelan pako nanligaw kay Mags tska pa ko nakipag usap sa babae e. Sana maayos ko to:''(((

"Okay class, mamayang 6 ang uwi natin. So, enjoy yourselves habang may oras pa. K, go." biglang sabi ni Miss Jenny. Wala naman kaming ginagawa dito e, bakit ba kami nagpunta?!

Maya maya dumating si Mags kasama si Agatha. They both look uneasy. Ano kayang nangyari? Ano kayang problema?

"Hoy, anong nangyari sainyo?" tanong ni Sophia.

"Ah ano.. ah eh.." di makasagot si Agatha

"Walang nangyari samin Cupcake ha ha" fake na tawa ni Mags

"Ang totoo nyan meron.. kasi ano e.. ano. May nakita kaming nagmemake love sa ilalim ng puno kanina!!" sigaw ni Agatha

Nagulat lahat kami. Halos lahat ng classmates namin nagsitakbuhan para umalis. Si Penelope naman hinila din ako paalis sa pagkabigla ko nahatak nya ko. Nilingon ko si Mags nakatingin sya sakin gamit ang pares ng malulungkot na mata... Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita syang ganon.. pero paano ko sya mapapasaya? Paano kung parang ang layo layo nya sakin....

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon