Chapter 15

23 1 0
                                    

Umalis din ako pagtapos niya kong talikuran. She’s crazy! So do I, siniwalat na nya yung sikreto ko tapos pinalampas ko lang sya? Sana pala hinablot ko yung buhok nya at pinahalik yung makapal nyang pagmumuka sa sahig!

Naglalakad na ko papasok ng room. At pagdating ko sa loob natahimik sila at naka-titig sa akin na parang ngayon lang ako nakita.

“Oh? Ano tini-tingin tingin nyo dyan?” pagtataray ko.

“Ahmm, Princess Margarette teddy bear mo pa din ako!” masiglang sabi ng isa kong classmate. Nginitian ko lang sya. Nauna pala ko sa bruhildang Penelope nayon! Si Jokjok naman nakatingin lang sakin habang palapit.

“Mags, totoo ba yung sinasabi ni Penelope?” tanong nya.

“Oo! E ano naman?”

“Tinatanong ko lang, Mags.. magkababata kasi tayo! Ang tagal mo kong niloko!!”

“Well,whatever!” at lumabas na ulit ako. Nakasalubong ko naman si Miss Jenny, Si Miss Jenny na nung outing pa walang pake.

Lunch…

Nasa caf. kami, Sophia, Agatha, James and Keith. Si Jokjok? Aba malay ko!:)

Well, ilang saglit lang dumating na din naman sya, I mean sila. Kasama nya lang naman yung image wrecker/haliparot/malandi/Makati na si Penelope, nakapulupot sya sa braso ni Jokjok na parang ahas. Napatingin sya sa direksyon ko at biglang nagsmirk. Pake ko dyan lang naman sya magaling e! Smirk-smirk pang nalalaman tapyasin ko bunganga nya e. Patingin-tingin at irap pa sya sakin akala nya maaasar nya ko. Bobo tlaga.

Anyway, pagtapos pala ng revelation nyang pakielamerang yan, walang naging violent reaction ang mga students well let’s say most of them. Kasi may ibang girls na halata naming insecure sakin matagal na ang pinagchichismisan ako. Naka-abot na nga ng ibang school yun e, pero guess what? Sa 100% ng bawat school na naka-alam nun 5% lang ang may pake at nagbago ng tingin sakin at lahat sila ay girls, Well wala na kong pake, I’m not born to please them.

May iba kong fans na naging fans ni Penelope because she’s fearless daw! Hahaha, mga walang alam. Fearless? Ako ata yun e. Pero wala pa din akong pake, hahaha kasi diko naman hinangad magkaroon ng fans e. At kahit mapunta pa sakanya lahat wala kong pake! Lamunin nya ng buo!

“Hoy Mags, kanina mo pa sila tinitingnan ha? Nagseselos ka ba?” biglang hirit ni James.

“Para magselos?” sagot ko.

“Wag mo masyado titigan baka di namin mapatikim yang impaktang yan!” sabi ni Sophia.

“Alam mo Mags, all this time akala ko alam na ni Kim hindi pa pala?” sabi ni Keith.

Oo alam nilang dalawa ni James. Kaibigan ko sila for Pete’s sake! Nauna ko pa sila naging kaibigan kase kay Jokjok mas naging close nga lang sila kasi pareho silang mga lalaki. At kung bakit di alam ni Jokjok? Hindi ko din alam hahaha itanong nyo nalang saknya.

“Nabobo siguro, kasi PERFECT na tingin nya kay Mags hahaha!” tawa naman ni James. Siya lang natawa, kami tuloy lang sa pagkain. Bahala silang dalawa magsama sila parehong unggoy!

[Kim’s POV]

Nabibigla pa din ako sa nalaman ko, all this time? Hindi pala sweet at adorable si Mags? Bakit hindi ko nahalata? Nabulag ba ko sa kanya?

“Alam mo Kim nagulat ka, pero tanggapin mo nalang na yung babaeng gusto mo ay sinungaling at manloloko!” sabi ni Penelope

“You don’t get it. Matagal ko ng kaibigan si Mags, kakilala to be exact bata palang kami! Pero bakit diko alam na hindi totoo pinapakita nya sakin?”

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon