[Sophia’s POV]
Nakakainis! Itong Kim na to! Akala mo siya lang ang ulila! E gago pala siya e! Kung alam niya lang!!! At etong gagang Margarette di pa ko pinatuloy sa sasabihin ko! Edi sana nasupalpal yang lalaking yan!!
“Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?”
Aba! E gaga pala talaga to! Bakit siya yung nagpapakumbaba! E wala naman siya kasalanan! Bakit kasi dipa nila ko pinatapos ng malaman ng Kim na yan na P—
“Marry me.”
Ano!! E Baliw pala to e! Galit siya samin tapos yayayain niyang magpakasal sakanya si Mags!!! Nako, itong Mags nato! Wag kang papayag!!!!
“Sige.”
“MAGS!!” sabay naming sigaw.
“Congrats!!!” si Penelope naman yun.. hayst. Masama ang kutob ko sa gagawin ni Kim kay Mags.
“Then, see you in hell.” Sabi ni Kim sabay labas ng kwarto ni Mags.
“Gaga!! Bakit ka pumayag! Hindi mo ba naisip na sisirain niya lang yung buhay mo!!” sabi ko sakanya.
“Kailangan kong sundín yung sinabi nila Mama sa letter..” nakatungo siya.
“Mags, dimo kailangang gawin yun! Alam naman nating lahat diba? Na kung may dapat magalit tayo yun! Hindi siya! At yung letter pa ba ni tita yung dahilan mo? O dahil na din yan sa pagmamahal mo saknya? Mags! Kung mahal mo si Kim, hayaan mo syang malaman yung totoo! Dahil mabubulag lang siya sa galit na akala niya ay tama!” sabi ni Agatha kay Mags.
“Basta! Ako ng bahala..”
Lumakad na siya at inayos yung gamit niya sabay higa sa kama..
Nakakaawa naman si Mags…
Kung alam lang ni Kim ang totoo, ewan ko nalang kung ganyan pa siya.
“KIM!!” nagulat ako sa sigaw ni James sa baba.
Dali dali kaming bumaba ni Agatha para tingnan kung anong nangyayari, iniwan namin si Mags doon para makapagpahinga siya.
*boogsh!* *boogsh!*
Nagsusuntukan sila…
“Bakit kayo ang galit sakin?! Ako ang dapat magalit at hindi kayo! Wala kayong karapatan! Tama lang na mamatay yung mga magulang niyo dahil sa kademonyohang ginawa niyo sa pamilya ko!!” sigaw ni Kim kay James. Si Penelope parang galit naman sa sinabi ni Kim.
*PAK!!!* sinampal ni Penelope si Kim.
“Bakit? Akala mo ba madaling mawalan ng magulang! Kim! Kung ikaw ulila pare-pareho tayo ditto! Hindi ko man alam kung anong nangyayari pero mali yung sinabi mo! Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan! Kasi alam mo yung pakiramdam nila, natin!” sigaw ni Penelope.
“Siguro kasama ka sakanila no? Kunwari ka pang malandi! Pero Spy ka din ano?!”
“Hindi ako spy! At hindi din ako malandi!”
“Magulang nila ang pumatay sa pamilya ko! Kaya tama lang sakanila na mawalan ng magulang para patas tayo ditto!!!”
“Nabasa mo na pala yung sulat! Nabasa mo na pero kung umakto ka akala mo napakabuti ng papa at ate mo!” alam ni Penelope? Paano?
“Alam mo din?” sabi ni Kim.
“Aksidente kong napulot yun sa kwarto ni Mags nung naglilinis ako. At Oo, binasa ko. Pinaliwanag naman siguro doon yung dahilan diba!”
“Pero maling pumatay ng tao!!”
“Karapat-dapat patayin ang ate at papa mo!!”
*PAK!* sinampal ni Kim si Penelope.
“Hindi totoo yan!!”
“Ngayon galit ka! Ngayon alam mo kung anong pakiramdam ng ganon!! Hayop ka pala e! Sasabihin mo sa kanila yun pero ayaw mong sabihin yun tungkol sa papa at ate mo?! Hindi lang ikaw ang nawalan Kim!! Kaya wag kang umasta na parang pinagkaisahan ng lahat ng tao sa mundo!!” sabi ni Penelope sabay labas na ng bahay.
Natulala na kaming lahat kay Penelope, maaasahan mo talaga siya sa mga ganito.
Umakyat na ulit si Kim, nilapitan ko naman si James at dinala sa kusina. Gagamutin ko yung mga sugat niya..
“Bakit mo naman ginawa kay Kim yun?” tanong ko.
“Tama lang sakanya yon! Tayo ang pamilya ni Mags! Dapat lang na ipagtanggol natin siya! Bilin din yan ng mga magulang niyo dba?”
“Masama lang ang loob ni Kim kaya siguro ganon.” Paliwanag ko.
“Pero mali yun! Ano? Papakasalan niya si Mags para pahirapan yung buhay niya? Siya ang wala sa posisyon para gawin yun! Tama lang naman ang ginawa nila tita na pagpatay sa papa at ate niya e! Sa dami na ng sinira nilang buhay!” galit si James..
Kakadating palang namin sa kusina ng narinig ko yung sigaw ni Mags kaya nagmadali kaming lumabas. Nakita naming hila-hila ni Kim si Mags or let’s say kinakaladkad palabas.
“Aray Kim! Ano ba nasasaktan ako!!”-mags
“Kim!” sigaw ni Keith
“Kim ano ba! Nasasaktan ako!!” sabi ni Mags na naiiyak na.
“Sasama ka saken!! Ikakasal tayo ngayon! At gagawin kong miserable ang buhay mo!!!” hinabol naman naming sila palabas pero huli na.. nakasakay na sila sa sasakyan at pinaharurot na ito ng mabalis..
Anong gagawin namin? This is bad as hell…
“Humingi na kaya tayo ng tulong sa QSS?” –Agatha
“No, hayaan mo si Kim..”-Sky
“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?!” sigaw ni James.
“You know me.” Sabay labas.
May sa-multo ata yung Sky nayun!
Kailangan gumawa kami ng paraan para matigil yung ginagawa ni Kim..
-----
Sobrang iksi ng mga update na ito at sa sunod. Gusto ko lang hahaha
G, vote and comment nalang
©mawgapowts
BINABASA MO ANG
I'm SPYcially for You [Revising]
RomanceKim Jonas Arellano is a guy with money,power and 'friends'. For him everything is falling into their right places. His business, his relationships and his life. But one day, his so-called 'friends' are dying one by one. A woman came and told him she...