Chapter 7

37 2 0
                                    

(earlier)

[Margarette's POV]

Papunta ko ng Canteen ngayon ng bigla akong hilahin ni Sophia at Agatha, ewan ko sa dalawang to teka bakit kasama si Miss Jenny? Hahaha,kunwari nga di ko alam e:(;) Magtatanong nga muna ko.

"Hey bakit mga cupcake?^_^ Miss Jenny Cupcake ko din ba kayo?^_^" 

"Cut that bullshit Mags." sabi ni Sophia

"Huh? Bakit? Ano ba meron? Party? Hihihi^_^" sabi ko.

"I said cut the bullshit Margarette Haley Supremo!" sabi ulit ni Sophia.

"Chill gerl. Tinatakot mo si Maggy girl e." sabi ni Agatha.

"Girls, ano? dun tayo sa old building mag-usap para matapos na to!" sabi ni Miss Jenny.

"Okay okay, tara." at ako na ang nauna sakanila. Anong pag-uusapan namin? Hindi ko din alam e. Pero tingin ko secret lang to kaya chupi!

Papunta na kami sa building ng may maramdaman akong sumusunod samin. Tinawagan ko agad si James dahil ang sumusunod na yon ay si Kim. Di pwede to.

"Hello James?"

[Oh, Haley. Napatawag ka?]

"Sumusunod samin si Kim, puntahan mo sya dito. Dalian mo!"

[Okay chill baby. Papunta na ko dyan]

"Good."

Sa lumang building..

"Oh girls ano bang plano nyo? Malapit na yun e" sabi ni Miss Jenny.

"Oo nga Haley girl, what's the plan ba?" conyo talaga tong babaeng to si Sophia yun.

"Oo nga. Malapit na birthday ni Jonas!" si Agatha yan

"Oo alam ko! Here's the plan." binulong ko sakanila ang plano hahahahaha!!

Uwian time..

Palabas na ko ng school ng makita kong naglalakad na din palabas si Jokjok, saan kaya sya pupunta? di naman yan yung daan namin pauwi e. Hmm,masundan nga..

Teka.. sa sementeryo ang daang to diba? Dadalawin niya ba yung ate tska papa nya? Siguro.

Nandito na kami sa sementeryo.. umiiyak nanaman si Jokjok hayst wala kong magawa para sakanya. Syempre ang p--- diko natuloy yung sinabi ko. I was stunned sa sinabi niya..

"Ipaghihiganti ko kayo kung sakalaing sinadya ang pagkakamatay nyo. At magpapatulong ako kay Mags."

Matutulungan ko ba sya? Alam niya namang retarded ako diba? Bakit? Kaya lang ba sya lumalapit sakin para gamitin sa pag hihiganti niya? Alam na kaya nga? Sino nags----

Suddenly, everything went black.

[Kim's POV]

Pauwi na ko ngayon galing sa sementeryo. Diko alam pero pakiramdam ko may masamang nangyari kay Mags. Siguro napaparanoid lang ako. Dadalawin ko nalang si mama sa mental.

Sumakay na ko sa kotse ko, ng may nakita akong sasakyang itim. Yung parang nakikita niyo sa mga kidnapper? Pero.. diko pinansin. Bakit pa? Ha ha.

Sa mental..

Papunta na ko ngayon kung nasaan si Mama. Sana naman maayos na sya..

Nandito na ko sa tapat ng room niya. Papasok palang ako ng marinig kong sumigaw si mama. Nagulat ako bakit niya sinisigaw yun?

"Mga Supremo!!!"

"Magbabayad kayo!!!!!"

"Supremoooooo!!!! ahhhhhhhh!!!"

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon