[Mags’ POV]
Medyo ang tagal dumating nila Sophia, gutom na ko e! Kainis ha, ngayon lang sila nagtagal. Iniisip ko kung pupuntahan ko sila o hindi e. Ay ewan, aantayin ko nalang.
Maya-maya bumukas na yung pinto nakarinig ako ng creeeek e hahaha!
“Oy bat ngay—“
Nanlaki mata ko sa nakita ko, e sino ba naman ang hindi? E andito lang naman si Jokjok, nakangiti sakin at may dala-dalang pagkain. Mukang baon nya tong dala nya.
“Surprise?” sabi nya sakin. Di ako nakasagot, nabibigla pa din ako e hahaha.
“Oh, sumagot ka naman!”
“Anong ginagawa mo dito?” nakapagsalita din sa wakas.
“Hmm. May gusto kasi akong sabihin Mags.”
“Anong sasabihin mo? Kung gaano ka kagalit sakin?”
“No. I just want to say sorry.”
“Bakit?”
“Mali ako e, di dapat ako nagalit sayo. Alam ko naman may reason ka kung bakit mo ginawa yun. Pero diko inisip. Nalamon ako agad ng galit dahil sa pagsisinungaling mo sakin. Pati ako, nagdoubt sa feelings ko sayo. Ewan ko ba, naisip ko na yung Mags na sweet at adorable lang ba yung gusto ko? Hindi ba kita kayang tanggapin yung totoong ikaw at yung flaws mo. Iniisip ko maigi yun, siguro mababaw yung pagmamahal ko para sayo.” Sabi nya.
“pero, nung narinig ko yung sinabi sayo ng mga fans mo, may narealize ako. Na ang sama ko pala. Dahil ako na kababata mo, na manliligaw mo at kine-claim na mahal ka, nagalit sayo at hindi ka pinansin. Nagalit ako pero dahil sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, matatanggap mo pati yung pagkakamali nya. Naging immature ako. Sorry Mags, pero can you give me a chance? Para bumawi sayo. Sa nagawa ko sayo. Sa 1 week na di tayo nag-usap I feel so.. empty. Narealize ko na sobrang kulang ako kapag wala ka sakin.. at alam mo yung pakiramdam kong yun? Masakit. Kasi nilayo ko yung sarili ko sayo. Sorry Mags. Hinusgahan kita agad.”
Nasabi ko na din ba sainyo na sa 1 week na yun? Narealize ko yung halaga ni Kim sakin. Narealize ko na ganun din ako…
“Jokjok.. sorry din. Sorry din kung nagsinungaling ako sayo ha? Oo jok, may reason ako kung bakit ko ginawa yun. Pero dimo pa maiintindihan yun sa ngayon. Alam mo ba Jok, sa loob din ng isang linggo ang dami ko din narealize. Narealize ko na totoo nga yung sinasabi nilang malalaman mo lang yung halaga ng tao kapag nawala na sya sayo.”
“Anong ibig mong sabihin Mags?”
“Mahalaga ka din sakin Jok, ikaw na lang yung meron ako bukod sa mga katulong sa bahay. Ikaw yung laging nandyan. Di mo ko iniwan. Pero nagawa kong magsinungaling sayo kaya nagalit ka sakin at nawala ka sakin. Kahit na isang linggo lang yun, narealize ko talaga kung gaano ka kaimportante sakin, na di ko narealize nung kasama kita palagi, nung nawala ka sa buhay ko. Doon ko narealize na mahalaga ka sakin sobra at..”
“At ano?”
“At mahal din pala kita!”
“Ha? Anong sabi mo Mags ulitin mo?”
“Ano? Anong uulitin ko?” palusot ko.
Grabe inamin ko ba talagang mahal ko sya? At ano? Mahal ko sya? Baka nabigla lang ako hahaha nako namaaaaaan!
“Ano nga Mags? Sabihin mo uliiit!”
“Wala kong sinabi, magtutuli ka kasi para di ka nabibigi o nakakarinig ng kung ano ano dyan!”
“Mags may sinabi ka e!”
“Alam mo palang may sinabi ako e!”
“Oo kaya nga pinapaulit ko sayo e!”

BINABASA MO ANG
I'm SPYcially for You [Revising]
RomanceKim Jonas Arellano is a guy with money,power and 'friends'. For him everything is falling into their right places. His business, his relationships and his life. But one day, his so-called 'friends' are dying one by one. A woman came and told him she...