[Kim’s POV]
Nabaril si Mags..
Nabaril siya dahil niligtas nya ko…
Bago ako sumali sa QSS pinangako ko na ako na ang magpoprotekta sakanya, pero bakit ganito? Bakit dahil nanaman sakin.. napahamak siya? Malas siguro ako.
Nakatulala lang ako habang inaantay ang paglabas ng doctor mula sa emergency room. Nalaman kasi ng QSS na may lason pala ang mga bala na galing sa baril ng mag-aama, kaya nagmadali ang lahat na dalhin muna si Mags dito sa pinaka-malapit na hospital, para maipatanggal ang bala at QSS na ang bahala para sa lason..
Malala pala ang kalagayan ni Mags, hindi ko alam.. may brain cáncer pala siya. Kaya labis ang pagsakit ng ulo niya, grabeng paghihirap ang naranasan niya sakin. Tama sila, kung merong may karapatang magalit dito. Sila yon..
Napakasama kong tao, nasabihan ko sila ng kung ano-ano pero eto, andito sila. Dinadamayan ako at pinapalakas ang loob ko. Swerte ako pero nabulag ako ng galit.. pati si Mags nadamay ko ng sobra dito. Nalulungkot ako, ako dapat ang nag-aagaw buhay. Hindi siya. Akin dapat yung bala, hindi sakanya. Pero sa sobrang pagmamahal niya sakin.. sinalo niya.
Alam niya lahat ng katotohanan, pero pinili niyang magdusa sa ginagawa ko sakanya, may choice siyang umalis pero pinili niyang matulog sa lavas ng unit ko dahil umaasa siyang babalik ako. Pwede niyang tanggihan ang kasal, pero pumayag siya dahil iniisip niyang sasaya kong masaktan siya nung mga panahong iyon. Pwede niyang sabihin sakin lahat, pero pinili niyang hayaan ako dahil para sakanya sobra na ang sakit na naramdaman ko sa nalaman ko nung araw na yon..
Grabeng pagmamahal ang meron siya para sakin, pero pinili ko namang saktan siya at magalit sa nag-iisang babaeng nandyan lang naman para sakin. Hindi ko dapat inisip ang kasalanan ng magulang niya sakin, kasi hindi naman siya ang may kagagawan non. Pero naghanap ako ng masisisi kaya sakanya ko sinisi lahat.
Hindi ko naisip na hindi mali ang ginawa ng magulang nila.. hindi ko pinansin ang fact na criminal ang papa at ate ko noon kaya kinailangan nilang gawin iyo.. inisip ko ang pagiging mag-isa ko. Inisip ko ang sarili ko masyado na hindi ko na naisip na pareho lang pala kaming mag-isa… selfish ako. Kaya dapat ako nalang ang nasa loob ng emergency room at hindi ang taong nagmahal sakin ng walang katulad.
Nauna akong mahalin siya, pero siya ang nahuling tumigil sa pagmamahal sakin. No, hindi nga pala siya tumigil.. ako ang naunang nagmahal pero ako ang unang tumigil. Mababaw lang siguro ang pagmamahal ko na meron para sakanya.. hindi ko man lang siya pinagpaliwanag.
Ngayon.. kung kelan nag-aagaw buhay siya, tska ko napagtanto ang lahat. Sana hindi pa huli ang lahat…
[Sophia’s POV]
Tulala si Kim habang nakaupo at nag-aantay sa paglabas ng doctor sa ER.
Siguro ngayon niya napagtanto ang lahat ng bagay na nagawa niya. Tiyak kaming sinisisi na niya ang sarili niya kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon si Mags..
Bukod sa balang may lason, may brain cancer din siya. Hindi naming alam na yun nap ala ang dahilan kung bakit napapadalas ang pagsakit ng ulo ni Mags. Kawawa naman si Mags. Sana maging maayos siya..
Lumabas naman bigla ang doctor..
“Sino ang pamilya ng pasyente?”
“Ako po ang asawa niya..” sabi ni Kim.
“Hmm, pwede niyo na siyang dalhin sa QSS ng maagapan na ang lahat bago pa kumalat ang lason sa katawan niya, pag natanggal na ang lason sa katawan niya ay dalhin niyo siya muli dito para naman sa brain cancer niya. Kailangan magmadali bago pa lumala ng sobra ang sakit niya. SIge na, maiwan ko na kayo.”
BINABASA MO ANG
I'm SPYcially for You [Revising]
Любовные романыKim Jonas Arellano is a guy with money,power and 'friends'. For him everything is falling into their right places. His business, his relationships and his life. But one day, his so-called 'friends' are dying one by one. A woman came and told him she...