Chapter 26

17 1 0
                                    

[Mags’ POV]

Nasa city hall na kami. Civil wedding lang ang ginawa niya may witness kami ewan ko kung saan nya nakuha ang mga ito pero alam kong pagtapos nito mag-uumpisa na ang impyernong buhay ko sa kamay niya..

“Kim..”

“Manahimik ka nga!”

Hindi ko na siya kilala, kinain na siya ng galit niya sakin..

 

Tapos na ang kasal, nagdadrive sya pabalik ng bahay hindi kami nag-uusap pero makikita mo sa mata niya ang galit… nakarating kami sa bahay. Kinaladkad niya ko palabas pagtapos ay kinaladkad pa ulit ako paakyat ng kwarto ko..

“Kunin mo na lahat ng gamit mo. Di na tayo babalik pa rito.” Malamig yung pagkakasabi niya tapos umalis na. Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Pumasok ng kwarto ko sila Sophia.

“Mags..” nakita nila yung namumula kong braso..

“Okay lang ako.”

“Pero—“

“Wag kayong mag-alala.”

Biglang pumasok ng kwarto ko si Kim at hinagis yung maleta niya sakin, tinamaan naman yung binti ko kaya sumakit ng sobra.

“Kim! Ano ba! Babae pa din si Mags!!” sigaw ni Keith.

“Dalhin mo yan.” Sabi ni Kim tapos lumabas na sya.

Sinunod ko nalang ang ginawa nya, wala pa to. Alam kong mas malala pa rito ang mga mangyayari sa susunod na mga araw.

Iika-ika akong bumaba dala ang mabigat naming maleta. Mabagal ang lakad ko kaya ng nakita ako ni Kim ay hinatak niya ko bigla kaya natumba ako.

“BILISAN MO NGA!” sabay sakay ng sasakyan

Kinuha ko naman ang mga maleta namin at inilagay sa likod. Sumakay na din ako sa sasakyan niya. At pinaandar ito ng napakabilis..

 

Dumating kami sa isang condo, gaya ng nangyari kanina naulit lang yun. Mas mahirap nga lang dahil hindi niya ko pinayagang sumakay ng elevator, pinaghagdan niya ko. Oo, pinaghagdan niya ko dala yung mga maleta namin at sa 15th floor pa ang unit niya.

Habang umaakyat ay iyak lang ako ng iyak, wala na talaga yung Kim na mahal na mahal ko. Sabi niya sakin kahit anong mangyari ay mamahalin niya ko. Pero anong ginagawa nya ngayon, daig ko pa ang muchacha…

Naiiyak ako habang inaalala yung mga masasayang alaala ni Kim, yung mga pangako naming, yung mga pangarap namin. Kasal nga kami pero hindi ko inakalang ganito ang mangyayari.. Hindi ito..

Nakarating na din ako ng 15th floor. Hindi ko napansin dahil sa pag-iisip ko nung mga alaala naming. Sa awa ng Diyos ay buhay pa ko, pero gutom na gutom na ko…

Kumatok ako sa unit niya, binuksan niya iyon tapos ay kinuha niya ang kanyang maleta. Pumasok na din ako sa unit niya tapos ay uupo n asana ako sa sofa ng bigla nyang sinabing..

“Sino may sabing umupo ka dyan?”

Kaya dina ko umupo. Sa sahig ako umupo habang pinapanood siyang kumakain. Oo, siya lang talaga ang kumakain. Naiiyak ako.. pero kailangan tiisin to.

Natapos na syang kumain tapos iniwan niya yung pinagkainan niya at bago pumasok sa kwarto ay…

“Hugasan mo yung pinagkainan ko. Tapos nun, lumabas ka ng unit ko. Sa harap kan g pinto matulog.” Tapos ay pumasok na sya ng tuluyan ng kwarto niya..

Ginawa ko ang sinabi niya.. hinugasan ko ang pinagkainan niya tapos ay lumabas ako ng unit niya at doon humiga.. muka kong aso dito… nakabaluktot at iyak lang ng iyak. Tinitingnan ako ng ibang tao doon sa floor na iyon, yung iba ay inaalok ako ng tulong pero hindi ako pumapayag. Kinuha ko nalang ang ibingay nila saking pagkain at kinain iyon. Awang awa sila sakin…

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon