Chapter 21

12 1 0
                                    

[Mags’ POV]

One week na nakalipas simula nung may nangyari dun sa dalawa, dahil dun mas lalo silang nag-away at nagbangayan. Dati minu-minuto lang silang nag-aaway. Ngayon segu-segundo na. Aba solid, gaya nalang ngayon. Nagbebreakfast kami, dahil maghahanap na kami ng mga trabaho namin. Nakapag-exam na kami, at nakapasa naman. Diba? Yan ang tinatawag na power ng Money. Napapabilis mo kung ano yung matagal pa dapat.. Well hayaan nyo na, minamadali na kasi talaga ito ni author kaya ganyan, sobrang bilis. Excited atang masaktan ako, keme.

Eto na nga, nag-aaway nanaman yung dalawa..

“Ako nauna tumusok ditto kaya akin to!” sigaw ni Sophia kay James.

“Hoy! Hindi na kita nililigawan kaya dina kita pagbibigyan!”

“Buti naman! Dahil baka kapag naging tayo l.sp.g.n mo pa ko dahil dyan sa libido mo!”

“Hoy! Ang kapal mo! Ikaw kaya!! Ikaw una humalik saken kaya ganon! Kita mo naman sa video diba?!”

Ang pinag-aawayan nila ay yung bacon na isa nalang, at oo pinapanood na din sa kanila yung video nilang nagmemake out sa sasakyan nung pauwi na.

“HOY!! AKIN YAN!” sabay na sigaw nung dalawa kay Penelope.

“Naawa lang ako sa bacon, paano talsikan na yung mga laway nyo kakasigawan at sumbatan dyan! Kaya kinain ko na bago pa lumangoy sa laway nyong dalawa!” sabay alis.

Ganyan talaga, si Penelope talaga ang laging eeksena sa dalawa lalo kapag pagkain na yung pinag-aawayan nila. Nakakatawa nga siya e, pagtapos umeksena. Aalis bigla, kaya yung dalawa ayun.

“IKAW KASE E! AKIN DAPAT YON!”

“HOY! AKIN YUN!”

Ayan, magsisisihan. Ganyan naman lagi e hahaha.

“Baby, tara. Hanap na tayo ng trabaho.” Malambing na sabi ni Kim sakin.

“Sige baby tara.”

“Baby, baka pala mauna ko makauwi sayo ha? Isa lang naman kasi pag-aaplyan ko e. text mo nalang ako pag magpapasundo ka okay?”

“Yes baby.” Hinalikan naman nya ko sa noo.

“Goodluck baby”

“Goodluck din.”

Umalis na kami, kanya-kanya na kasi kami ng hanap ng trabaho e. Kaya gano, kung may company nga sigurong kakailanganin kaming lahat siguro pwede, pero syempre imposible yun hahaha.

Binaba na ko ni Kim sa una kong aapplyan.

“Bye baby. I love you.” Sabi nya sakin.

“I love you too baby.”

At umalis na sya.

[Kim’s POV]

Natapos na ko sa inapplyan ko, they will call me nalang daw. So umuwi na ko, pero bago ako umuwi ng bahay, pumunta muna ko sa isang jewelry store. Bibili kasi ako ng singsing e hahaha, pinagpaplanuhan ko na ang pag-popropose ng kasal kay Mags, yes. Yayayain ko na syang magpakasal sakin. Sana pumayag sya.

There, may napili na ko. Binili ko na iyon. At lumabas na.

Pagdating ko sa bahay, walang tao so dun ako dumiretso sa kwarto ko para itago yung singsing. Tapos pumasok ako sa kwarto ni Mags para dun matulog.

Pagpasok ko ng kwarto nya, agad kong nakita yung papel na ayaw nya ipahawak saken, ito ata yun. Ewan ko ba pero gusto ko talagang mabasa yun.

Pagkapulot ko dun sa papel, binuksan at binasa ko ang laman, na sana pala hindi ko na ginawa.

[Mags’ POV]

Na-resched yung iba kong interview for some reasons kaya naisip kong umuwi na, dina ko nagtext kay kim. Gusto ko syang isurprise kaya bibili ako ng favorite nyang pizza.

Nagtaxi ako, kaya mabilis nalang. Nakita ko naman yung sasakyan ni Kim na nakapark na sa labas ng bahay, kaya pumasok nako. Tahimik sa bahay, siguro nasa kwarto ko nanaman sya. Dun naman sya lagi natutulog e, he found relaxing ang ambiance ng kwarto ko sabi nya. Kaya dumiretso na ko dun.

“Baby dala ko yu—“ nabagsak ko yung pizza na dala ko.

What the…

---

Sorry maiksi lang muna. Mag-aupdate din naman ako hahaha. Keme keme lang yan. Tinatapos ko na kasi talaga kaya ganto, sa totoo lang bago ako magsulat ay naiisip ko na agad ang magiging flow ng story, kaya nga kaya kong matapos to ngayong gabi e. Kasi bago ko magsimula, natapos ko na sya sa isip ko.

Well, vote and comment sa may gusto<3

©mawgapowts

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon