Chapter 9

31 2 0
                                    

[Margarette's POV]

Pauwi na kaming lahat galing sa bahay na pinagdausan ng birhtday party ni Jonas, pero etong si Jonas ang kulit kulit. Sabi nang magtataxi nalang ako pero mapilit siyang ihahatid na daw niya ko, kesyo kasama na daw yun sa panlilidaw niya. kaya hinayaan ko na lang siya. 

Nasa loob na kami ng sasakyan niya, daldal lang sya ng daldal..

"Alam mo ba Mags, sobrang saya ko talaga ngayong araw na to. Akala ko kasi nalimutan mo na talaga e. Tapos may surprise pala kayo sakin, at higit sa lahat.. pinayagan mo na kong manligaw sayo. Sobrang saya ko, huling beses ata kong sumaya ng ganto nung namasyal kami nila daddy e.." 

Nalungkot siya bigla nung sinabi niya yun.. nakaramdam din ako ng lungkot kasi syempre wala na din sila Mamsi e.. Oo, wala na din sila. Kaya nga mag-isa nalang ako sa bahay e. Alam kong nagtataka kayo kung bakit mayaman pa din kaming dalawa ni Jonas kasi kahit wala na ang mga parents namin nakakatanggap pa din sila ng sweldo hahaha, great isn't it? Kahit kami nagtataka pero sabi ng mga empleyado dun.. natural na daw yun. Pero diba kakaiba talaga? Bakit parents lang namin? Siguro we're so effin' special..

"Ahm, Mags. Andto na tyo." 

"Ahh, oo nga. Hahaha! Salamat Jok^_^" nag-space out ako masyado haha.

"Sige Mags, pasok ka na. See you;)"

"Seeyou too teddy bear!^__^"

Bumaba na ko ng sasakyan nya. Inantay ko lang na makaalis yung kotse niya bago ako pumasok sa loob. As usual, tahimik lang dito. Syempre ako lang naman ang mag-isa dito bukod sa mga maids na nagtatrabaho dito.

"Nana Betty, nakauwi na po ako!"

Si Nana Betty siya yung nag-aalaga sakin simula bata pa lang ako. Siya yung kasama ko nung mga panahong nag-iisa ako dahil sa trabaho nila Mamsi lalong-lalo na nung iniwan na nila ko ng tuluyan. Sa totoo lang may isa pa kong kasama e, pero next time ko na lang ikukwento sainyo.

"Oh iha, ginabi ka ata ah. Kamusta yung birthday ni Jok?"

"Ayos naman po. Kumain na po ba kayo? E yung iba po nating maid? Nakakain na po ba sila?"

"Oo iha. Kanina pa. Sige na, inihanda ko na yung paligo mo. Maligo ka na nang makapag-pahinga ka na iha."

"Salamat po Nana."

Umakyat na ko sa kwarto ko, gaya nga ng sabi ni Nana Betty, nakahanda na nga yung paligo ko. Maliligo na sana ko kaso biglang nagvibrate yung phone ko. May nagtext.

From: Kim Jonas Arellano

Hi Mags, kakauwi ko lang. Magpahinga ka na ha? Goodnight sayo. Sweetdreams. I love you:*;) 

OMG.. bakit ganto? Pakiramdam ko namumula ko pero parang hindi naman.. errr

To:Kim Jonas Arellano

Hello din Jok^__^ Salamat. Goodnight din sayo. Ikaw din pahinga ka na din=)))))))

After nun, pumasok na ko sa banyo. At naligo..

[AFTER 1 EFFIN HOUR]

Tapos na ko maligo hahaha, so so fresh ko na^_^ ready na ko matulog kaso di ko maintindihan pero parang may nagtutulak sakin na i-check yung phone ko.. at may text nga.

From: Kim Jonas Arellano

Salamat din,you're the best gift I ever had. I love you always Mags... Sorry kung I love you ako ng I love you ha? Sobrang saya ko lang kasi talaga e. I feel complete kahit di pa tayo. What more kung sinagot mo na ko diba? But don't you worry. I won't be in hurry... sabi nga diba? Good things come to those wait.. but for me... you are the best and you are worth the wait Mags. Sige na tulog ka na, seeyou bukas!:*:)

And that message.. made me speechless. And this heartbeat.. makes me crazy. What am I feeling? This is bad! Oh please, no.. please. Hindi ako pwedeng mainlove sakanya... kasi masasaktan lang din ako. Bakit ba naman kasi approval yung lumabas sa bibig ko e! Oh good god!!

Wtf, I should sleep na. Siguro mawawala din to. Maybe I'm just surprised.. big time! Ewan bahala na..

[Kim's POV]

Habang pauwi ako sa bahay, dinaanan ko muna yung puntod ni papa at ni ate. Ewan ko ba,pero gusto ko lang ibalita sa kanila ang lahat! Simula nung nawala sila di na naging ganto kasaya yung birthday ko.

Pagdating ko dun agad akong nagtirik ng kandila..

"Ate,Pa.. alam nyo ba? Sobrang saya ko ngayon. Huling beses na naging ganto kasaya ang birthday ko nung buo pa tayo. Pero hayaan na, siguro bigay nyo si Mags sakin? Ate, nililigawan ko siya at pumayag sya! Pa, sana ibulong nyo kay God na sagutin nya ko hahaha. Ang saya ko talaga^__^ bibisitahin ko si mommy.. alis na po ko ha?"

Habang nagdadrive ako papuntang hospital, nakaramdam ako ng uneasiness. I don't know, pero parang may mali or may mangyayaring hindi maganda.. so I decided na wag ng tumuloy sa mental kaya nagdrive na ko pauwi sa bahay..

Pagdating ko ng bahay, nakita ko si Chloe na nanonood ng tv..

"Oh, kuya jok! Nakauwi ka na pala, happy birthday sayo:) Sorry wala ko regalo ha? Pero okay lang yan kasi nakasama naman ako sa celebration mo kanina haha"

"Haha, okay lang chloe. Salamat din. Sige na,akyat na ko ha?"

Pag akyat ko ng kwarto ko. tinext ko na agad si Mags at nagreply naman sya kaya ayun, kinilig naman ako haha. Tinext ko sya ulit pero di na nagreply. tulog na siguro pero okay lang.. makikita ko naman sya bukas e^___^

After 1 week...

[Mags' POV]

1 week na nakakalipas nung nagsimulang manligaw si Jonas sakin. Well, consistent naman sya sa pagbibigay sakin ng flowers, chocolates, stuff toys at marami pang iba.

Hindi naman ako yung taong you know, mahilig sa material na bagay. Kasi wala lang sakin yun haha. Madami kasi akong natatanggap mula sa iba kong admirers so di ako interested sa mga ganon..

Well, sa 1 week na yun.. yung feelings ko ganun pa din.. hindi nagbabago. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan kahit hindi tama.. natandaan ko nanaman yung nakasulat dun. Siguro ginagawa ko lang talaga to dahil dun..

"Earth to Mags!" sabi ni Sophia

"Oh, sorry. Ano nga sabi mo?"

"Kamusta na kako yung bigay syo! Nakuha mo na ba?"

"Ah, baliw. Isa lang naman dapat kong gawin diba? Nalimutan mo na naman!"

"Ay, oo nga pala. Buti ka pa di masyado mahirap yung iyo. Di gaya nung samen ni Agatha pa-iba iba!"

"E wala e, iba talaga kung yung parents mo ay outstanding sa g---" di na naituloy ni Agatha yung sasabihin nya. Kasi dumating na si Miss Jenny.

"Okay Class. Next weekend, pupunta tayo sa beach resort. Another activity na klase nyo lang ang meron. Sinabi ko naman na sainyo yung mga plano ko about sa class nyo right? So ito yung isa sa mga yun. Maghanda kayo for the weekend okay? Sa friday ay halfday lang tayo so, you should bring your bags na dito then uuwi nalang kayo ng house nyo para magpalit and that's it. 3 pm dapat nakabalik na kayo dito okay? Kung hindi, then iiwan na namin kayo."

Great!!!! Beach,beach,beach<3 Kakaexcite!!!=))))))))))))))))))

I'm SPYcially for You [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon