Eight
Marco...
Damn it...
Ilang ulit na ba niyang nasabi iyan mula kanina habang inaalalayan niya si Kyla para mailabas sa Bar ni Benjamin.
Ang kulit pala nito kapag nalalasing.
"Kuya..."tawag na naman sa kanya nito.
Isa pa sa kinaaasar niya panay ang tawag nito ng kuya sa kanya.
"I said stop calling me KUYA..hahalikan na talaga kita dyan"banta niya.
Napahagikgik naman ito habang nakikinig sa kanya.
"Ayoko nga, sabi ng mama ko kapag hinalikan ako ng lalaki kailangan pakasalan na niya ako"nakapout pa ito habang nagsasalita.
"Then stop calling me Kuya"naiinis na niyang sagot.
Pagewang gewang silang naglalakad palabas, sabi nga niya dito kanina bubuhatin na niya ito para hindi sila mahirapan na maglakad pero ayaw naman nito. baka daw matumba sila kasi lasing din siya.
Pero hindi siya lasing kasi hindi niya magawang uminom ng madami, parang may nagsasabi kasi sa kanya na hindi siya pwedeng uminom kasi kasama niya si Kyla.
"Kuya..."tawag na naman sa kanya nito.
Napapikit naman siya sa inis niya, hindi na niya ito sinagot basta nalang niya itong hinalikan sa labi nito.
Fvck ang lambot ng labi niya...
Palalalimin pa sana niya ang halik niya ng ito mismo ang lumayo sa kanya.
"Halla...panagutan mo ako...baka mabuntis ako..."inosenteng sagot nito.
Nakatakip pa ang dalawang kamay nito sa labi nito at nanlalaki ang mata nito na nakatitig sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi nito.
"Seriously, hindi ka mabubuntis sa simple halik lang Kyla"natatawa niyang sagot sa dalaga.
Is she for real, naririnig na niya iyon dati sa mga biruan nilang magkakaibigan o kaya naman sa mga matatanda. Mas nakakatawa pala kapag ikaw mismo masasabihan ng ganoon.
"First Kiss ko 'yon...ang bad mo Kuya"nag-umpisa na itong umiyak.
Nanlaki naman ang mata niya sa narinig niyang sinabi ni Kyla sa kanya.
Wow, ako ang first kiss niya.
Para naman siyang nanalo sa lotto sa nalaman niya.
"Ang sabi ni Mama dapat sa asawa ko lang ibibigay ang first kiss ko"patuloy pa din itong umiiyak.
"Shhh..tahana wala na, nakuha ko na ang first kiss mo--"
Nanlaki ang mata niya ng bigla nalang siyang halikan nito sa labi niya habang nagsasalita siya.
He's caught off guard.
"Yan, binawi ko na...wag mo na akong hahalikan ha. Sa magiging asawa ko lang ang first kiss ko"para itong bata kung masalita.
Napakurapkurap naman siya sa ginawa ni Kyla sa kanya.
"Kotse mo 'yo kuya?"turo nito sa sasakyan niya.
Its his baby, his Aston Martin na una niyang pinundar after niyang makagraduate at kumita ng maganda sa pakikipagsosyo kay Malik.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS