Eleven

45.4K 905 16
                                    


Eleven

Marco...

Nauna sila sa condo ni Malik, nagulat pa nga si Issay ng makita sila sa labas ng condo ni Malik.

"Kayo po pala"nahihiya pa nitong bungad sa kanila.

"Hi Issay"sabay na bati nila ni Jake dito.

Pinapasok naman sila nito sa loob, at dahil at home naman sila ni Jake doon dumeretso na sila sa sala nila Malik.

"Padating na din sila Malik, may binili lang sila ni Benjamin"ani Jake.

"Ahh okay"nahihiya ito umupo sa tapat nila ni Jake.

"Issay dito ka umupo may itatanong lang kami sayo"aya niya sa dalaga.

Masunurin naman ito kaya naman naupo ito sa pagitan nila ni Jake.

"May number ka ba nila Kyla at Carla?"walang ligoy ligoy na tanong niya dito ng makaupo na ito.

"Huh?"nagulat naman ito sa tanong niya.

"Cellphone number nila Kyla at Carla, meron ka ba?"pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

"ano kasi..."mahinang sagot nito.

Pero hindi nito naituloy ang sasabihin nito ng bigla nalang bumukas ang pinto ng condo nito.

"Mga gago kayo, wag niyo ngang iniipit ang Babe ko"angil agad ni Malik ng makita ang ayos nilang tatlo.

Mabilis itong lumapit sa kanila at hinila patayo si Issay, inilayo sa kanila ang dalaga na para namang maagawan ito kay Issay.

"Perez, hindi ka namin aagawan. Nagtatanong lang kami"ganting agil naman niya sa kaibigan.

"Pwede kayong magtanong na hindi na kailangan na pagitnaan niyo pa si Issay... are you okay babe?"baling naman nito kay Issay sa tabi nito.

Nakita niyang nagbulungan ang mga ito, mukhang sweet na ang mga ito. siguro nga totoo ang sinabi nito na may relasyon na ang dalawa ngayon.

"Hoy, kayo magpadeliver kayo ng pagkain niyo. Wala akong ipapakain sa inyo"angil ni Malik sa kanila.

Busy naman si Benjamin sa pagbubukas nito ng bote ng alak na binili nila ni Malik.

"Grabe ka naman Bro, nakakahurt ka naman ng feeling. Issay miss ko na luto mo, pwede mo ba akong isali sa niluto mo. Wag mo ng pakainin si Malik palagi naman na niya natitikman ang mga niluluto mo"nagpapacute pa si Banjamin na sinabi yon kay Issay.

"Shut up!!!"sigaw ni Malik dito.

Hinila ni Malik si Issay sa kitchen at naiwan silang tatlo doon.

"Head over heels inlove si Malik kay Issay ano?"ani Jake ng maiwan silang tatlo doon.

"Yeah"pag-sang-ayon naman niya.

"Maganda kasi si Issay"segunda naman ni Benjamin sa sinabi niya

"Mas maganda si Kyla ko"sigaw naman niya.

Papayag ba siya na may mas gaganda sa babaeng nagpapalito sa utak niya ngayon.

"Na ah ah... my Carla is more beautiful than your Kyla bro"di naman papatalo si Jake.

"Mga gago walang tatalo kay Pia Wurtzbach ko"singit naman ni Benjamin.

Makikipagtalo pa sana siya sa mga ito ng biglang sumulpot si Malik sa sala at kinantiyawan sila.

"Mga ulol"kantiyaw nito sa kanila.

"Gago"sabay sabay naman baling nila kay Malik.

Iiling iling lang itong iniwanan na naman sila at nagpunta sa kwarto nito, magbibihis siguro kaya sila iniwanan.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon