Thirty-two

36.6K 825 38
                                    

Thirty-two

Kyla...

"Hindi ka na virgin right? Sino nakauna sayo?"seryosong tanong nito sa kanya.

Napabangon naman siya ng wala sa oras sa tanong na iyon sa kanya ni Marco.

Hindi ba nagbibiro si Marco, hindi ba talaga nito natatandaan ang nangyari sa kanila four years ago.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin lang siya sa binata.

Nakatitig lang siya sa binata, tinitimbang niya kung nagsasabi ba ito ng totoo na wala itong maalala man lang na kahit na ano noong gabi na kanuha siya nito.

Flashback

Nagising siya na para siyang pagud na pagud at uhaw na uhaw. Nanghihina pa siya ng imulat niya ang mata niya. puro puti ang namulatan niya, hindi niya kilala ang lugar kung nasaan siya ngayon.

"Thanks God your awake now Kyla"narinig niyang boses ni Mommy Margaret.

"Ano pong nangyari Mommy Margaret?"nanghihina na tanong niya sa ginang.

"You have a laceration on your vagina, kaya ka nagkalagnat anak."paliwanag ng ginang sa kanya.

"Ganon po ba talaga sa una?"lakas loob niyang tanong sa ginang.

Wala naman na siyang maililihim pa sa ginang dahil huling-huli na sila nito na may nangyari sa kanila ni Marco.

"Hindi anak, dapat hindi ka aabot sa ganito. Napwersa ka ng anak ko, pinilit ka lang ba niya?"nang-aalalang tanong sa kanya nito.

Umiling naman siya bilang sagot.

"Lasing po si Marco, hindi niya alam ang ginagawa niya. pero binigay ko iyon sa kanya ng bukal sa loob ko"sagot niya.

"Kailangan kang panagutan ng anak ko sa ginawa niya sayo. Ako ang bahala sayo Kyla."seryosong turan nito sa kanya.

Napalunok siya sa sinabi ng ginang, pangarap niya iyon ang pakasalan siya ni Marco. Ang kaso lang naalala niya ang sinabi ng papa niya na pinagkasundo siya ng tito Jimmy niya.

"Pero kasi po, hindi ko po pwedeng pakasalan si Marco"nanghihinayang na sagot niya sa ginang.

"Ano k aba naman Kyla, sa ginawa ng anak ko sayo dapat lang na pakasalan ka niya."sermon sa kanya nito.

Nahihiya niyang kinuwento ang kanyang kalagayan, nakikinig lang naman ito sa kanya.

"Ako na bahala 'don, walang ibang pwedeng umagaw ng magiging manugang ko"kampanteng sagot sa kanya nito.

Naguguluhan man sa naging takbo ng pag-uusap nila, pilit nalang niyang inintindi ang lahat.

"I called Carla, papunta na siya dito anak"as if on cue biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Carla.

"Baks!!!"tili nito at sinugod siya nito ng mahigpit na yakap.

"Aray, girl"daing niya ng dambahin siya nito ng yakap napagalaw siya kaya ramdam niya hapdi sa kanyang pagkababae.

"Ano bang pinaggagawa mong bruha ka"sermon sa kanya ng kaibigan.

"I miss you girl"sagot nalang niya.

Naiiyak na niyakap siya nito ulit bilang tugon sa sinabi niya.

"Naayos mo na ba ang mga papel niyo Carla?"tanong ng mommy ni Marco sa kaibigan niya.

Nakakunot noo na kumalas siya sa pagkakayakap sa kaibigan.

"Baks, tumawag si Issay. Kinukuha tayo sa Paris"excited na paliwanag ng kaibigan niya.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon