Thirty-seven

36.6K 762 24
                                    

Thirty-seven

Marco...

Its been three days simula ng huli niyang nakita si Kyla. Kapag nagpupunta siya sa condo nito wala na doon ang dalaga may pinuntahan daw sabi ng mga magulang nito.

Kapag tinatanong niya kung saan nagpunta hindi naman daw alam ng mga ito kung saan nagpunta.

Hindi niya din matawagan ang cellphone nito nakapatay lang palagi.

Nag-aalala na siya sa dalaga, lalo pa ngayon na buntis ito.

Nasa kalsada siya ngayin at nagmamaneho siya pero hindi niya alam kung saan sya pupunta. Basta nagda-drive lang siya.

Maggagabi na naman, pero hindi pa din niya nakakausap si Kyla.

Nasa isang park siya nahinto, hindi nga niya alam na nagawi na siya doon. Bumaba siya at naglakad lakad lang doon.

"Kuya"tawag sa kanya ng isang bata.

Nang lingunin niya ito nakita niya ang isang batang lalaki na nakatingala sa kanya.

"Anong kailangan mo?"naupo siya ng pasquat para mapantayan niya ang bata.

"Ang lungkot niyo po kasi"sabi nito.

Natigilan naman siya sa sinabi ng bata, ganoon na ba siya ka-obvious na malungkot siya.

"Hindi naman ahh"tanggi niya sa sinabi ng bata.

"Malungkot po kayo, hindi ka kasi ngumingiti. Iniwan ka siguro ng gelpen mo"sabi pa nito.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng bata. Atribidang bata pa lang kung anu-ano na ang alam.

"Hindi naman ako iniwanan ng girlfriend ko, hindi lang kami nagkikita na dalawa"sagot niya sa bata.

"Edi iniwanan ka nga po ng gelpen niyo"pamimilit pa nito.

Napipikon na siya sa batang kausap niya pero hindi nalang niya pinahalata pa kasi naman bata lang naman ito.

"Wag mo po masyado isipin ang gelpen niyo mahal ka non. Babalik din po iyon sa inyo. Saka wag mo siyang bibitawan kasi pinaglalaban ka non"sabi ng bata ng hindi siya sumagot.

"Ang bata mo pa para magbigay ng payo sa matatanda"natatawa niyang ginulo ang buhok ng bata.

"Hmm...bata man po ako may alam din naman ako sa sinasabi ko"sagot nito.

Napansin niyang hindi marunong mangupo ang batang kausap niya.

"Asan ba ang mga magulang mo maggagabi na dapat kasama mo sila."pag-iiba niya ng usapan.

"Magkahiwalay sila ngayon eh, hinahanap ng papa ko ang mama ko"sagot ng bata.

Nakakunot ang noo niya sa naging sagot ng bata. Ang bata pa nito para sa mga ganitong problema.

"Halika ihahatid kita sa mama mo"tumayo na siya para akayin ang bata.

"Wag na, basta iyong bilin ko sayo wag mo kakalimutan. Kapag binitiwan mo iyong gelpen mo kawawa ako..mahal ka non promise"sabi ng bata sabay takbo palayo sa kanya.

"Sandali bata anong pangalan?"habol niya sa bata.

"Markie Ivan De Larra po Papa"sigaw ng bata.

Papa?...

Hinihingal na nagising siya ng mauntog siya sa manibela niya, hindi niya alam na nakatulog na pala sya sa loob ng sasakyan niya. nang lingunin niya ang paligid niya gabi na at nakaparada siya sa tabi ng park kung saan ang panaginip niya.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon