Seventeen
Marco...
Gusto niyang kutusan ang sarili niya kanina pa.
"Hey babe, another round?"mapang-akit na tanong sa kanya ng babaeng kanina lang ay kaniig niya.
Para siyang robot na tumayo mula sa kama niya at dinampot ang mga damit niyang nakakalat sa sahig.
Pinapagalitan niya ang sarili niya sa nagawa niya.
Hindi lang naman siya nakapagpigil at sa mismong birthday party pa ng ina niya naisipan makipag one night stand. Ang malala pa kasama niya si Kyla ngayon, at nasa baba lang ito.
"Nah, I had enough. thanks"iyon lang ang sinabi niya sa dalagang nakahiga pa hanggang ngayon sa kama.
Ewan ba naman niya kung bakit hindi siya nakapagpigil, nakita niya lang ito kanina pagpasok nila ni Kyla sa loob ng bakuran niya. hindi niya sana ito papansin kaso lang nagpakita din ng motibo ang dalaga kaya ng makita niyang hinila ng ina niya si Kyla nakita niya ang pagkakataon na iyon para malapitan ang dalaga.
Anak ito ng isa sa mga business associate ng daddy niya.
Gaya niya no string attach ang usapan just sex.
"Kuya"napaigtad pa siya sa gulat ng tawagin siya ni Mateo.
Kakalabas lang niya ng kwarto niya dito sa bahay ng magulang niya.
Nilingon niya ang kapatid niya at nakita niyang pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Alam niyang may hinala na ito dahil sa itsura niya kaya naman kahit di na siya magpaliwanag alam niyang nakuha na nito ang sitwasyon niya.
"Tsk follow me"utos sa kanya ng kapatid.
Tangina ako ang panganay dito ahh, kung makapag-utos naman ito kala mo siya ang panganay. Reklamo niya sa isipan niya.
Kahit nagpoprotesta ang utak niya sumunod pa din naman siya sa kapatid niya.
"Ang akala ko ba you stop being a playboy?"agad na tanong sa kanya ng kapatid niya ng makapasok sila sa isa sa mga guest room nila sa baba malapit sa kusina.
Naupo muna siya sa isa sa mga couch doon, nanlalata pa ang katawan niya matapos ang maiinit na tagpo nila ng babaeng kaniig niya kanina.
Matagal din siyang napahinga, mula noong nagpasya siyang ligawan si Kyla ngayon nalang siya ulit nakipag one night stand.
"Who told you that? Hindi pa ako commited kay Kyla. So I can do what ever I want"prente niyang sagot sa kapatid.
Parang gusto niyang masuka sa sinabi niyang sagot, he oath to be faithful to Kyla kahit pa hindi niya iyon sinabi ng literal.
"Mom thought you change"para namang hindi makapaniwala ang kapatid niya sa sagot niya.
"I change, hindi na lantaran ang pangbabae ko."nasagot nalang niya.
He was caught off guard, nahihiya man siyang aminin pero alam niya sa sarili niya may mali sa nagawa niya.
"Nasisiraan ka na, anong plano mo sa babaeng pinakilala mo kila mommy?"inis na tanong sa kanya ni Mateo.
Napaisip siya ano nga ba ang plano niya, kanina habang kaniig niya ang babae hindi niya itatanggi si Kyla ang nasa isip niyang kasiping niya. kaya nga kahit parang gusto pa ng katawan niya feeling niya sobrang guity siya sa mga pinaggagawa niya.
Pero hindi niya ito maamin, lalo pa ang kumukompronta sa kaniya ay ang kapatid niyang nakababata sa kanya.
"I don't know either"seryosong sagot niya.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS