Thirty-eight

37.6K 787 43
                                    

Thirty-eight

Marco...

Kulang ang word na devastated para idescribe ang nararamdaman niya ngayon.

Nagkukulong siya sa loob ng condo niya, mula pa kagabi. Hindi man lang kasi siya binigyan ng assurance ng mga magulang niya na tutulungan siya ng mga ito.

"Ahhh!!!"sigaw niya sabay baton g boteng hawak niya.

Kagabi pa siya nag-iinom, wala na nga siyang alak na stock sa condo niya nalaklak na yata niya ang lahat mula pa kasi kagabi siya umiinom.

Ang gulo-gulo din ng condo niya, nagwala lang naman siya. He's a mess, a total mess. Dumudugo pa nga ang kanyang kamao sa kakasuntok niya sa kung saan siya abutan ng pang-gigigil niya.

Hindi niya na din alam ang oras ngayon, basta nakalugmok lang siya sa sahig at nakatulala.

Naiisip niya lahat ng masasayang araw na pinagsamahan nila ni Kyla. Paminsan minsan napapangiti siya sa naalala niya, lalo na ang mga oras na nagiging isa silang dalawa ni Kyla.

Hindi niya isusuko ng ganon nalang ang lahat. Hindi pwedeng iba ang makakasama ni Kyla sa buhay, siya lang dapat wala ng iba.

"Kyla"ungol niya.

Sobrang lasing na lasing na siya, hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid niya.

Basta ang alam niya iniisip lang niya si Kyla wala ng iba.

Sa sobrang pag-iisip niya kay Kyla para na nga niyang nakikita si Kyla ngayon na nasa harapan niya at nag-aalalang nakatitig sa kanya.

"Kyla"ungol niya pilit niyang iniaabot ang kamay niya sa dalaga.

"Marco naman, anong ginawa mo sa sarili mo?"umiiyak na sabi nito.

Napangiti naman siya, para kasing totoo ang lahat. Na kasama niya ngayon si Kyla, na nahahawakan niya ngayon si Kyla.

"Marco"tawag nito.

Ang ganda sa pandinig niya ang lahat, gustong gusto niya ang boses ni Kyla na ilang araw niyang hindi narinig, kaya miss na miss na niya ito.

"Mahal kita Kyla"iyon lang ang nasabi niya bago siya tuluyan na nawalan ng malay.

..................

Kyla...

Tulala siya...

Nakatulala siya sa mga taong kinakausap ngayon ng mga magulang niya at ng mga magulang ni Marco. Ang mga bisita nila ni Marco sa kanilang suppost to be wedding.

Natawa naman siya habang tumutulo ang luha niya.

Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang isurprise si Marco siya tuloy ang nasurpresa ng wala sa oras.

"Ate Kyla"nag-aalalang tanong sa kanya ni Madison.

"I'm okay Madison"iyon lang ang nasagot niya.

Tumayo na siya at naglakad palabas ng venue ng kasal nila ni Marco. She need to talk to Marco, kailangan niyang magpaliwanag sa mga nangyayari.

Alam niya nasaktan ito kaya hindi ito nagpakita sa kanya ngayon. Nakwento kasi sa kanya ni Mommy Margaret ang naging pag-uusap ng mga ito kagabi. Alam niya lumabis na sila sa paglilihim kay Marco, kaya hindi ito nagpakita sa kanya ngayon.

Naiiyak na naglakad siya pasakay sa bridal car na naghatid sa kanya kanina.

"Ma'am, saan po tayo?"tanong ng driver niya.

Sinabi niya ang address ng condo nila, magpapalit nalang muna siya ng damit bago niya hanapin si Marco. Hindi advisable sa kalagayan niya ang sobrang stress pero naiistress na siya ng sobra.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon