Thirty-four
Marco...
Nakatitig siya ngayon sa iced tea na order niya, hinihintay niya ang kapatid niyang si Mateo.
May usapan sila ngayon nito na magkita, kakahatid pa lang niya kay Kyla sa airport kahapon pero parang gusto na niyang sundan ang dalaga doon.
Hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na naangkin na niya ng tuluyan si Kyla. Kaso lang medyo nanghinayang siya ng malaman na hindi siya ang nakauna sa dalaga.
Naikuyom niya ang kamay niya ng maalala ang nangyari noong unang gabi nila ni Kyla.
Expected niya siya ang una kay Kyla dahil wala naman siyang nakilala na ibang lalaki sa buhay ni Kyla. Pero naalala niya apat na taon ang mabilis na lumipas at wala siya sa tabi nito. baka nagkaboyfriend na ito noon at iniwanan lang ito kaya ngayon malaya ito.
Hindi niya lang matanggap na nagawang magtiwala ni Kyla sa ibang lalaki maliban sa kanya.
"Lalim ng iniisip ah"sita sa kanya ni Mateo.
"Stop that."saway naman niya sa kapatid.
Agad namang may lumapit na waiter sa kanila para kunin ang order nilang magkapatid.
"Straight to the point Mateo"bungad niya ng maibigay na nila ang order nila.
"Whoa, hindi mo muna ako pakakainin man lang Kuya"biro sa kanya ng kapatid.
"You have all the time para kumain after mong ipaliwanag ang itinawag mo sakin kahapon"seryoso niyang sagot sa kapatid.
"Okay...nagmamadali ka naman masyado"bulong nito.
"Talagang magmamadali ako, relasyon namin ni Kyla ang nakataya dito so cut the chase and tell me all you know"seryoso niyang sermon sa kapatid.
"Okay, I heared mommy and daddy talking about your marriage to a certain girl na anak ng business partner nila Mommy"simula nito.
Seryoso lang naman siyang nakikinig sa kapatid niya. naikuyom niya ang kamao niya sa nalalaman niya. kailan pa natutong makialam ang mga magulang nila sa buhay nilang magkakapatid.
Alam naman ng mommy niya na mahal na mahal niya si Kyla. Anong pumasok sa isipan nito at ipinagkasundo siya nito ngayon sa kung sino mang babae na iyon.
"Matanda ka na daw, hindi na nila mahintay kung kailan mo gustong lumagay sa tahimik kaya sila na ang kikilos para sayo"dagdag pa nito.
"Damn it"bulong na mura niya.
"I also heared na nakausap na nila ang parents ng pakakasalan mo, at mukhang nagmamadali din ang mga iyon para makasal ka. Iniipit nila ang negosyo nila mommy sa china para lang matuloy ang kasal mo sa anak nila"paliwanag ni Mateo.
"Fvck, I have Kyla now...kung kailan naman okay na kami ni Kyla doon naman eentra ng ganito sila Mommy."nanggigigil niyang nahampas ang lamesa na nagdulot ng ingay doon.
"Ang bagal mo kasi"sisi pa sa kanya ng kapatid.
Tiningnan lang niya ito ng masama.
"Hindi matutuloy ang kasal na sinasabi mo. I will only marry Kyla wala ng ibang babaeng pwedeng maging MRS. Marco De Larra kundi si Kyla lang"sagot pa niya sa kapatid niya.
"So what's your plan now?"tanong sa kanya ng kapatid niya.
"Susundan ko si Kyla sa Paris, we will get married there wala ng magagawa sila Mommy kapag kasala na ako kay Kyla"pagsasabi niya sa plano ng kanyang sa kapatid.
"Goodluck brother."
Kailangan na niyang makausap ang kaibigan niya, magpapaalam na naman siya kay Malik na aalis ngayon. Ito naman na ang huli, kundi niya gagawin ito baka mahuli na siya.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS