Nine

49.7K 1.1K 31
                                    

Nine

Kyla...

Mula ng birthday ni Carla hindi pa siya nakauwe sa kanila, kaya naman kahit may pasok siya ngayon naisipan niyang umuwe sa kanila para naman makamusta niya ang mga magulang niya.

Wala naman kasi silang cellphone pare-parehas.

Katwiran ng mga magulang niya hindi naman daw nila kailangan iyon, at may telephone naman daw sa bahay.

"Girl, uuwi ako samin. Pakisabi nalang muna sa boarding house"paalam niya kay Carla.

"Okay, ingat ka bakla"sagot lang nito.

Buti nalang at thrusday bukas 10am pa ang pasok niya kaya naman pwede talaga siyang umuwe sa kanila.

Madali lang naman siyang nakauwe sa kanila. Kabisado na niya ang pagko-commute sa kaMaynilaan dahil na din sa mga kaibigan niya.

Naglalakad na siya papasok sa kanto nila ng mapansin niyang may sasakyan sa tapat ng gate nila na hindi niya kilala kung kanino ito. hindi na lang niya papansinin ito baka kasi sa katapat lang na bahay nila ito.

Nasa tapat na siya ng gate nila at inilalabas niya ang susi ng gate nila mula sa bag niya ng bigla nalang may humawak sa braso niya.

"Ay!!! Tokwa ka"gulat niyang nasabi.

Pinaghahampas niya ito sa gulat niya sa humawak sa kanya. nakapikit siya habang hinahampas ito, baka kasi magnanakaw ito.

"Kyla, its me Marco"sabi nito.

Nanghihina na tumigil siya paghampas dito at hindi makapaniwala na napatingin dito.

Anong ginagawa nito sa kanila, paano nito nalaman ang address nila dito.

"Anong ginagawa mo dito kuya?"nagtatakang tanong niya dito.

"Kuya na naman, halikan kita dyan"may bahid ng inis ang boses nito ng tawagin niyang kuya.

Napaatras naman siya at tinakpan ang labi niya para hindi magawa nito ang sinabi nito.

"Saan ka ba nagstay ng ilang araw?"tanong nito sa kanya.

"Sa boarding house"sagot niya dito.

"Boarding house?"takang tanong nito.

Tumango naman siya bilang sagot, hindi pa din niya inaalis ang kamay niya sa labi niya. natatakot kasi siya baka biglang halikan siya nito.

"Damn, tatlong araw akong pabalikbalik dito."bulong nito na narinig naman niya.

"Bakit ka naman kasi nagpupunta dito? Dapat nagtanong ka muna"takang tanong niya dito.

"dito ka kasi nagpatid sakin noong Sunday ng madaling araw, so I though you live here"para itong naasar na ewan habang nagsasalita.

"dito nga ako nakatira"aniya.

"What?!"

"Dito ako nakatira"ulit niya sa sinabi niya kanina.

"Sabi mo nakaboarding house ka?"parang litong lito naman ito sa sagot niya.

"Oo, nakaboarding house ako sa Quezon City malayo kasi itong Tondo sa school ko"paliwanag niya.

Tatangu-tango naman ito habang nakatingin lang sa kanya.

"May sasabihin ka ba?"tanong niya dito ng hindi ito nagsalita.

"Ahm..."naging uneasy naman ang kilos nito habang nakatingin sa kanya.

"Kung wala ka naman ng sasabihin papasok na ako sa loob, kasi baka mapagalitan ako ng mama ko. Bawal kasi akong makipag-usap sa kalye"aniya dito.

Tinalikuran na niya ito at ipinagpatuloy ang pagkuha ng susi sa kanyang bag.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon