Thirty-one

38.2K 881 62
                                    

Thirty-one

W A R N I N G !!!!

S P G !!!

Kyla...

Nang matapos nilang maayusan si Issay, don na din sila nag-ayos ni Carla. Isa pa nasa bagahe kasi ni Issay ang mga gown na dala niya kaya naman doon talaga sila magbibihis ni Carla para sa party.

a/n: damit na isusuot ni Kyla sa party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n: damit na isusuot ni Kyla sa party.

Si Carla ang namili ng isusuot nilang dalawa para sa party, tinernuhan nila si Issay na black ang damit na isusuot.

Hanggang ngayon palaisipan pa din sa kanya kung bakit kailangan pang padalhan sila ng damit ni Carla. Si Issay kasi ito ang image model ng kumpanya kaya okay lang na makatanggap ito ng damit mula sa may-ari baka iniisip kasi ng may-ari na baka hindi maganda ang ipasuot nila sa kaibigan. Pero 'yong pati sila ng kaibigan niyang si Carla kasama sa pinadalhan nakakapagtaka pa din talaga.

Lalo nakakuha ng atensyon niya ang sundo nila ngayong gabi.

Bakit kailangan na tatlong sasakyan pa ang sumundo sa kanilang tatlo.

"Wow ha... bakit sayo limo... kami kotse lang?"bulong ni Carla kay Issay ng makita ang sasakyan na sumundo kay Issay.

"Inggit ka naman"biro naman niya dito.

Inirapan lang siya ni Carla, natatawa naman siyang lumapit sa sasakyan kung saan siya pinapasakay ng driver niya na maghahatid sa kanya sa venue.

Pagsakay niya sa loob sinalubong siya ng isang pamilyar na pabango ng lalaki.

Hindi siya pwedeng magkamali kung kanino ang pabango na iyon.

Paborito kasi niya ang pabango na iyon ni Marco.

Dahan dahan siyan g lumingon sa kanan niya para tingnan kung may katabi siya. Kung hindi nga lang umandar na ang sasakyan na kinalululanan niya baka kumaripas na siya ng takbo palabas sa sasakyan na iyon.

Si Marco lang naman ang katabi niya ngayon at matiim na nakatitig sa kanya.

"It my pleasure to be your date tonight Ms. Kyla Faith Tan"bungad nito sa kanya.

Nakailang lunok na siya na nagawa, hanggang sa halos wala na siyang malunok na laway niya.

Nanlalamig ang kamay niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya ngayon.

Kinakabahan siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Marco alam niyang galit ito sa kanya sa pang-iiwan niya noon dito kaya hindi niya alam kung paano niya haharapin si Marco.

Hindi siya handa sa pagkikita nilang ito ngayon.

Ang plano nila ni Mommy Margaret na magkikita sila ni Marco after ng kontrata niya kay Issay which is next year pa.

"Ohhh"gulat siya ng bigla siyang hapitin ni Marco palapit.

"Damn it Kyla, bakit hindi ang gown na binigay ko ang sinuot mo? Who give you the permission na magsuot ng ganitong damit?"galit na bulong sa kanya nito.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon