Twenty-eight
A L E R T ! ! ! S P G....
Kyla...
"Faith anak"tawag sa kanya ng ama niya.
Kakauwi lang nila galing sa graduation niya, hindi na nila tinapos pa ang program dahil sa ginawa ni Marco. Nahihiya na siyang humarap sa mga taong nakasaksi sa ginawa niya. maging ang mga magulang niya din ay nahihiya sa nangyari.
"Bakit po papa?"tanong niya dito.
Hindi nagsalita ang papa niya bagkus iniabot nito sa kanya ang cellphone niya. nagtataka man tinanggap niya ang cellphone na iniabot ng ama niya. hindi na nagsalita ang papa niya at iniwanan na siya nito sa kwarto niya.
Nang buksan niya ito nakita niya ang madaming message na galing sa kaibigan niyang si Carla at kay Marco.
Pero hindi niya iyon binasa kahit na isa man lang sa mga ito. ayaw niyang pagsisisihan ang nagawa niyang desisiyon baka kasi kung ano ang mabasa niya doon bigla niyang mabawi ang lahat at kumaripas na naman siya ng takbo pabalik kay Marco. Malalagay na naman sa alanganin ang mga magulang niya ng dahil sa katangahan niya.
Palalim na ang gabi ng biglang bumukas ang pintuan niya at pumasok doon ang mama niya na kahit na hirap maglakad ay kinaya pa din nito puntahan siya sa kwarto niya.
"Mama, bakit tumayo pa po kayo?"nag-aalalang sinalubong niya ang ina.
Inalalayan niya ang ina na hanggang sa makaupo ito sa gilid ng kama niya.
"Anak"bungad nito.
"Mama, wag na po kayong magsalita. Pahinga lang kayo ng kaunti ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo para makapagpahinga na kayo. Sigurado ako napagud kayo kanina sa school kaya dapat magpahinga na kayo"aniya.
Hinawakan naman ng mama niya ang kamay niya at pinisil ito ng sobrang higpit.
"Anak, gusto kong maging masaya ka. Ayokong makulong ka sa isang relasyon na hindi ka magiging masaya"turan ng ina.
Napatulala naman siya sa sinabi ng mama niya. kinabahan, naexcite pero natakot din siya sa dala ng sinabi ng mama niya.
"Hindi ko po kayo maintindihan mama?"naguguluhan niyang tanong sa ina.
"Umalis ka na dito, puntahan mo si Marco. Alam kong sasaya ka sa kanya anak."sagot sa kanya ng ina.
"Mama, hindi ako magiging masaya kung mahihirapan kayo ni Papa kung gagawin ko iyon. Masaya nga ako kasi kasama ko si Marco pero kayo naman ni papa naghihirap dito. Tapos sasama na naman ang loob sakin ni papa kung gagawin ko iyon."naiiyak niyang sagot sa ina.
"Ako na bahala sa papa mo"
"Mama, ayoko...hindi ako aalis dito. Hindi ko kayo iiwanan"niyakap niya ang mama niya.
"Buo na ba ang desisiyon mo na magpakasal sa taong ipinagkasundo sayo ng tito Jimmy mo?"nag-aalalang tanong ng ina niya.
Alangan siyang tumango, pinili na niya ang mga magulang niya kaya ito na ang desisyon niya.
"Anak, makinig ka. Wag mo kaming intindihin ng papa mo. Kaya namin ito, ikaw ang iniintidi namin ng papa mo. Napag-usapan na namin ng papa mo ang lahat, makikipag-usap na ang papa mo sa tito Jimmy mo na hindi ka namin ipapakasal sa kahit na sino kundi kay Marco lang anak"paliwanag ng mama niya.
Tuluyan na siyang naiyak sa harapan ng mama niya. halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang mama niya.
Pero bago pa man siya makapagsalita, pinagtulakan na siya ng mama niya na magbihis at puntahan ang binata para magpaliwanag. Ang sabi pa ng mama niya wag na daw niyang patagalin pa habang maaga ayusin na niya ang lahat sa kanila ni Marco.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS