A/n: hi sorry ngayon lang ulit nakapag-update hindi kasi maganda pakiramdam ko hanggang tuluyan ng nilagnat...
well magaling na naman ako...
isama pa na bantay sarado ni hubby na ayaw akong pahawakin ng laptop o tablet para lang makapag-update...
bawi nalang ako sa susunod na chapter ha maikli lang itong nagawa ko medyo bangag pa ako sa sankatutak na gamot na nainom ko...
bukas back to normal na ulit ako mag-update...
happy reading
lahat ng comments niyo binabasa ko kaya habaan niyo naman (Joke lang)
.......................
Twenty-one
Marco...
Ayon na ung momentum nila ni Kyla, nakikita niyang papayag na ang dalaga sa effort niyang date.
Ang ganda niya talaga... puri niya pa kay Kyla habang nakatitig siya sa maamo nitong mukha habang hinihintay ang pagpayag nito sa date ng biglang.
"Uuwi ako samin, may sakit si Mama"sagot nito at nilagpasan siya nito na nakatulala.
Lahat ng energy biglang nadrain sa sagot niya Kyla.
Lalag ang balikat na napalingon siya sa dalagang naglalakad na papalabas ng gate ng eskuwelahan.
"aww"
Iyan ang narinig niyang reaksiyon ng mga taong nakasaksi sa muli niyang pagkabigo.
"Tsk...may bago pa ba? Alam niyo naman lagi akong basted kay Kyla"baling niya sa mga tao doon.
Kilala na nga siya ng halos lahat ng tao doon dahil sa effort niyang manligaw kay Kyla.
"Kuya, wag ka mawalan ng pag-asa. Malay mo nagpapakipot lang po si Ate Kyla"pagbibigay pa sa kanya ng lakas ng loob ng isa sa mga estudyanteng tumulong sa kanya.
Nginitian niya lang ito at nagpaalam na siya, ano pa nga ba ang gagawin niya. susundan niya si Kyla para ihatid.
Hindi naman siya susuko. Sanay na siya sa pangbabasted at pangbabalewala ni Kyla sa kanya. deserve naman niya iyon, lalo pa nong umamin siya sa dalaga ng nagawa niya noong birthday ng mommy niya, nakita niya ang sakit sa mata nito kahit hindi nito sinabi, ramdam niya na nasaktan niya si Kyla.
Ang lupit nga ng tandaha. Hindi naman sila naging mag-on ni Kyla pero bakit ang lakas ng dating sa kanya ng mga pinaggagagawa niya sa buhay niya.
"Kyla wait, hatid na kita"habol niya sa dalaga.
Nilingon lang siya nito at tinanguan.
Buti na din at civil na si Kyla sa kanya, kahit sa ganitong paraan nakakalapit na siya sa dalaga. Hindi man gaya ng dati na medyo malapit na sila sa isa't isa atleast nakakasama niya si Kyla kahit pilit lang.
"Saan ka magbabakasyon after ng finals niyo?"tanong niya ng nasa biyahe na sila.
"Wala, sa bahay lang"walang ganang sagot nito.
"Kyla, gusto mo bang pumunta ng Baguio?"pag-aaya niya.
Wala lang naisip lang niya, gumagawa lang siya ng pag-uusapan nila para naman marinig niya ang boses nito.
"Ayoko"sagot lang nito.
Ala na dead end na naman ang topic na naisip niya.
Tahimik na sila sa buong biyahe nila, hindi na siya makaisip ng topic na pwede nilang pag-usapan na dalawa.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS