twenty-seven

32K 725 13
                                    

Twenty-seven

a/n : pakinggan naman natin si Kyla... ha...

happy reading

sipag ko no...

next chapter papakilala ko ung may-ari nung panty

Kyla...

Flashback...

"Mama"mahina ang boses niya ng tawagin niya ang kanyang ina.

Dalawang araw na mula noon sapilitan siyang inuwi ng mga magulang niya, mula noon hindi pa sila nagkakausap ng mga magulang niya.

Magkaganon man ramdam niya ang tampo o galit ng mga ito sa kanya.

Kaya naman hindi na niya kinaya ang malalig na pakikitungo ng mga magulang niya sa kanya kaya naman kakausapan na niya ang mga ito ngayon.

Hihingi siya ng paumanhin sa mga ito, hihingi siya ng tawad kung galit man ang mga ito sa kanya.

"Faith anak"sagot naman ng mama niya.

Umiiyak na lumapit siya sa ina at niyakap ito.

"Sorry po mama...sorry po"umiiyak niyang hingi ng tawad dito.

"Shhh...tahana anak"pag-aalo sa kanya ng ina.

Hinihimas pa nito ang likuran niya para patahanin siya nito sa pag-iyak.

"Hindi naman ako galit anak...alam ko na nagmamahal ka lang. kami nga ang dapat na humingi ng tawad sayo anak"dagdag pa ng ina niya.

Naguguluhan na kumalas siya ng yakap sa ina.

"Ano pong ibig niyong sabihin mama?"nagtatakang tanong niya sa ina.

"Ang papa mo nalang ang magpapaliwanag sayo"sagot nito.

Maghapon niyang hinintay ang papa niya para sa sinasabi ng mama niyang paliwanag.

"Mano po papa"inabot niya ang kamay ng ama ng dumating ito ng gabi galing sa tindahan nila.

Hindi kumibo ang ama niya at nagderetso ito sa kwarto ng mga magulang niya. nasaktan siya pero wala naman siyang karapatan na magtampo sa magulang niya.

Tahimik lang sila na kumakain ng hapunan, kasama niya ang mga magulang niya na tahimik lang din na kumakain. Hindi niya magawang tumingin sa mga magulang niya.

Alam kasi niya ang mga maling nagawa niya. ang dami niyang pagsisinungaling na ginawa, alam naman niya na nakakarating sa mga magulang niya ang hindi niya pagtulog sa boarding house nila, ang pag-uwi niya doon ng gabi. Maging ang pagsama-sama niya kay Marco ay alam niyang alam ng mga magulang niya pero wala siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng dikta ng puso niya.

Kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ang inaakto sa kanya ng ama.

"Faith"tawag sa kanya ng ama niya ng matapos silang kumain.

"Bakit po papa?"kinakabahan na tanong niya sa ama.

Ngayon lang niya nakitang ganitong kaseryoso ang papa niya mula noong pagkabata kasi siya hanggang bago niya makilala si Marco palagi lang ang ngiti ng papa niya sa kanya.

"Layuan mo na si Marco"utos nito sa kanya.

Alam niyang ito ang sasabihin ng papa niya sa kanya, pero masakit pala kung harapan na nitong iuutos sa kanya.

"P-po?"nauutal niyang sagot.

"Simula ng makilala mo ang lalaking iyan, hindi mo na kami sinusunod. Natutu ka pang magsinungaling sa amin ng mama mo ng dahil sa lalaki iyan. Hindi siya magandang implowensya sayo. Naging suwail ka ng anak sa amin ng mama mo"galit na paliwanag ng ama niya.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon