Twenty-five

33.3K 841 62
                                    

Twenty-five

Marco...

He becomes so restless in the past few weeks o buwan na. Mula ng maihatid niya si Kyla boarding house after ng birthday ng ama hindi na niya nakita pa si Kyla.

Ilang beses na sila nagpunta sa bahay ng mga ito, pero kahit anong katok niya o tawag walang taong lumalabas par pagbuksan siya. Kapag nagtatanong siya sa mga tao doon sa paligid alam naman ng mga ito na nandoon ang mag-anak.

Kapag nagpunta naman siya sa grocery store ng mga ito palagi niyang hindi naabutan ang papa ni Kyla.

Hindi niya alam kung nandoon ba at pinagtataguan lang siya o ano basta hindi palagi naabutan doon ang matanda para makausap man lang.

"Carla, please naman tulungan mo naman akong makausap si Kyla"pagmamakaawa niya.

Si Carla nalang ang huling pag-asa niya para makita ulit si Kyla.

Mababaliw na siya kakaisip kung anong nangyari, bakit para na naman silang nagtataguan ngayon ng dalaga.

Umamin na nga si Kyla na mahal din siya nito. Tapos heto na naman sila hindi na naman niya makita ang dalaga.

"Ang kulit mo naman Marco, sinabi ko na sayong maski ako walang alam kung anong nangyayari. Hindi ko din nakakausap si Kyla"sagot nito sa kanya.

Sinabi na nito noong una pa lang na bigla nalang nawala ang lahat ng gamit ni Kyla sa boarding house at hindi na nito matawagan ang kaibigan kahit na kailan.

"Samahan mo nalang ako sa kanila"pangungulit pa niya.

"Kahit gustuhin ko Marco, pero hindi kita matutulungan sa bagay na iyan. Ayaw kami ng parents ni Kyla, bad influence daw kasi kami sa anak nila kaya isang beses lang kami nakapunta doon hindi na naulit pa"sagot sa kanya ni Carla.

"Bro, isipin mo baka naman may nagawa kang isang bagay na ayaw ni Kyla kaya pinagtaguan ka na naman niya"singit ni Jake.

Magkakasama silang tatlo ngayon sa boarding house nila Carla. Balik sa panliligaw ang kaibigan niya sa dalaga kaya naman nandito na naman ito.

"Wala, were okay bago kami naghiwalay that day"frustrated na niyang sagot.

"Kasi naman wala din akong makitang dahilan para bigla nalang ulit mawala si Kyla"naiinis pa na sagot din ni Carla sa kanya.

Natahimik silang tatlo at nag-iisip ng maaring dahilan ng mga nangyayari ngayon.

"Sa enrolment, for sure magpapakita si Kyla sa enrolment niyo"biglang salita ni Jake sa gitna ng pananahimik nila.

"Well sana, graduating kami ngayon kaya malamang hindi matitiis 'non na hindi mag-enroll"sagot ni Carla.

"Kailan ang enrolment niyo?"determinadong tanong sa dalaga.

"Next week"

Napabuntong hininga nalang siya, wala na siyang ibang makitang paraan para makausap ang dalaga kundi sa araw na iyon. Pinagdarasal niya n asana pumunta si Kyla at mag-enroll ito.

Nagpabalik balik pa din naman siya sa loob ng halos isang linggo sa bahay nila Kyla. Bumababa pa din siya sa sasakyan niya para magbakasakaling pagbuksan siya ng gate ng mga tao doon pero wala pa din talaga.

Ngayon naman nagpagabi siya sa labas ng bahay ng mga ito, hindi niya magawang umalis hihintayin niya baka sakaling mahintay niya ang pag-uwi ng tatay ni Kyla para kahit ito man lang makausap niya na at makamusta niya si Kyla sa magulang nito.

Nakasandal siya sa sasakyan niya at nakatingala sa langit, naghihintay na magkaroon ng himala sa gabing ito at makita niya si Kyla.

Nang silipin niya ang oras, nakita niyang 10pm na. nagpasya na siyang umalis at maaga nalang siyang babalik para kung mag-eenroll nga bukas si Kyla maabutan niya itong lumabas ng bahay ng mga ito.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon