Epilogue

66.8K 1.4K 108
                                    

Epilogue

Marco...

Malayo pa lang siya naririnig na niya ang boses ng asawa niyang mukhang nakikipagtalo na naman sa anak nilang panganay.

Hindi pa man niya nakikita ang itsura ng mga mag-iina niya, natatawa na siya.

Palagi kasing nagtatalo ang mag-ina niya simula noong mag-aral si Ivan.

"Mama naman ang takaw niyo naman eh"reklamo ng anak niya.

"Isa lang naman"parang batang sagot ng ina nito.

Napailing nalang siya sa naririnig niya.

"Kuya ako din"narinig niyang segunda ng bunso nila.

Naabutan niya ang mag-iina niya sa kusina, nakasalampak na ang bunso nila sa ibabaw ng lamesa samantalang abalang-abala ang panganay niya sa kung ano na hindi niya maaninag kung ano ang pinagkakaabalahan nito.

At ang nanay ng mga ito ang kanyang pinakamamahal na asawa nandoon lang at ginugulo ang panganay nila.

Pinakatitigan niya si Kyla. Pregnancy suits her, kung siya ang tatanungin hindi na niya paliliitin pa ang tyan ng asawa. Kung pwede nga lang taon-taon nalang na magbuntis ang asawa niya gagawin niya. kaso hindi naman pwedeng dahil ayaw naman ni Kyla na taon-taon nalang buntis ito.

She's now pregnant to their third baby, and this time babae na.

Their second baby is Mackie Kyle, two years old na ito ngayon.

"Papa"tawag sa kanya ng bunso.

"Darling kanina ka pa dyan?"masayang bungad naman sa kanya ng asawa.

Natawa naman siya sa ayos ng asawa niya, may chocolate syrup pa kasi ito sa gilid ng labi nito. maging sa ngipin nito may smudge pa ng kinain nitong chocolate o kung ano man iyon.

Nilapitan niya ang asawa niya at hinalikan sa labi nito para na din linisin ang kalat sa mukha nito.

"Hmm..ano ba naman Marco ang kalat mo namang humalik"reklamo nito.

"Makalat ka kasing kumain"ganting reklamo niya sa asawa niya.

Doon naman parang natauhan ito at pinahiran ang gilid ng labi nito.

"Papa"nakasimangot na tawag sa kanya ng bunso.

Nagpapabuhat ito sa kanya kaya naman binuhat niya ito.

"Ano bang pinagkakaabalahan ng mag-iina ko?"masayang tanong niya sa mga ito.

Doon lang niya nakitang nagba-bake pala ng cookies ang mga ito, at kasalukuyan ng naglalagay sa box ang anak niya.

"Wow, mukhang masarap 'yan"puna niya sa hawak ni Ivan.

"Darling, masarap nga...ang galing magbake ng anak natin"segunda pa ni Kyla sa sinabi niya.

"Talaga, patikim naman si Papa"baling niya sa anak.

Nakasimangot ito nagcross arm sa harapan niya at salubong pa ang mga kilay ng mga ito.

"Papa naman muntik ng maubos nila Papa at Kyle itong cookies ko eh"reklamo nito.

"Magbake ka nalang ulit"akmang kukuha siya sa box ng cookies ng tabigin ng anak niya ang kamay niya.

Napataas ang kilay niya.

"Kay Jade ito papa, next time ka nalang po kumuin ng cookies"sabi pa nito sabay kinuha ang box ng cookies at tumakbo na palabas ng kusina nila.

"Anong sabi ng anak mo?"tanong niya sa asawa.

Nagkibit balikat naman ang asawa niya at kinuha na sa kanya ang anak nila.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon