Twenty-two

33.6K 782 15
                                    

Twenty-two

Kyla...

Kapag narinig niya ang pangalang Marco isa lang ang nasa isip niya ang iwasan ito.

Na master na nga niya ang pag-iwas sa binata.

Sa halos mahigit tatlong buwan na pag-iwas niya kay Marco alam na alam na niya kung saan siya daan, liliko, ano oras siya papasok o uuwi ng boarding house maiwasan lang niya si Marco.

Para silang naglalaro ng patintero o tagu-taguan na dalawa. alam niyang parang wala ng sense ang ginagawa niyang pagtatago kay Marco, alam na kasi nila na wala naman basehan ang lahat ng naisip nila noon between Malik ang Issay.

Kaya lang, ewan hindi niya maexplain ang nararamdaman niya ngayon.

Parang hindi pa siya handa na harapin si Marco ngayon.

Nakakaramdam siya ng hiya.

Oo hiya ang nararamdaman niya, ang bilis niya kasi nahusgahan si Marco.

Guilty feeling nalang yata ang dahilan kaya niya tinataguan ang binata, na dapat nga hindi niya gawin kasi naman wala naman itong ginawang mali simula ng sabihin nito na seryoso na talaga ito sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwag ng sa paglingon lingon niya walang Marco siyang nakita sa labas ng eskwehan nila.

Kaya naman kampante siyang naglalakad pauwi sa boarding house nila.

Hindi niya kasama si Carla kasi kasama ng kaibigan niya si Jake, may pupuntahan daw ang dalawa.

Okay na ang dalawa, nagkausap n ang dalawa at ang sabi ni Carla hanggang friends lang ang kaya nitong ibigay sa binata na maluwag naman sa loob nito tinanggap.

Buti pa sila... iyan ang naisip niya noong kinukwento ni Carla ang napag-usapan nito at ng binata.

Sila kaya ni Marco maayos pa, hindi niya kasi alam kung paano niya pakikiharapan ang binata.

Hindi naman kasi kagaya ni Carla na matapang at kayang kontrolin ang nararamdaman.

Kilala niya ang sarili niya pagdating kay Marco, tumitiklop siya. Madali siyang bumigay sa nararamdaman niya. naturuan na kasi ni Marco ang puso niya na sa binata lang makinig.

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng may humawak sa braso niya.

Nanlalaki ang mata na nakita niya si Marco iyon.

"Kyla lets talk please"turan nito sa kanya.

Hindi niya mahanap ang dila niya, gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa. Imbes na magsalita pilit niyang kinuha ang braso sa binata para pakawalan nito sa pagkakahawak. Nang makawala siya parang wala lang na nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Kyla please...talk to me..nagmamakaawa na ako"pagmamakaawa ni Marco sa kanya.

Sinusundan lang siya nito habang naglalakad siya mula sa labas ng gate ng eskwelahan pauwi sa boarding house.

Ilang buwan na niyang iniiwasan si Marco mula noong araw na nagkahiwalay sila Issay at Malik.

Maraming beses na itong aattempt na kausapin siya, lapitan siya pero hindi niya ito pinagbibigyan na makalapit sa kanya ngayon lang.

Peo kahit heto sila naglalakad na magkasabay hindi niya pa din ito tinapunan ng kahit na anong atensyon.

Kailangan niya ng buong lakas niya ngayon para magawa ang pag-iignora kay Marco.

"Kyla naman, please wag ganito hindi ko kasalanan ang nangyari kila Issay at Malik para idamay mo sa problema nila ang kung meron tayo"para itong nauubusan na ng hangin habang nagsasalita.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon