Thirty-six

38.3K 792 47
                                    

Thirty-six

Kyla...

Gulong-gulo na siya, ilang araw na niyang pilit na tinatawagan ang tito Jimmy niya pero palaging ang secretary lang nito ang sumasagot sa tawag niya, out of the country daw ang tito niya.

Kapag tinatanong niya kung saan bansa naroon ito hindi naman siya masagot ng secretary nito.

Gusto niyang patulan nalang ang plano ni Marco na kasal, kapag pumayag siya na makasal sila okay na naman siguro ang lahat. Kaso naman iniisip lang niyang kapakanan ng mga magulang niya.

Kaya gusto muna sana niyang makausap ang Tito niya para umurong sa napagkasunduan noon bago siya magpakasal kay Marco.

"Papa"gulat niyang tawag sa ama niya ng pumasok ito sa loob ng kwarto niya.

"Anak may pag-uusapan tayo"seryosong turan ng ama niya.

Pinaupo niya ang ama niya sa tabi niya, mukhang mahalaga ang pag-uusapan nilang mag-ama. Sersoyo kasi ang ama niya.

"Ano pong pag-uusapan natin papa?"tanong niya sa ama niya.

Tumikhim muna ito ng makailang ulit bago ito nagsalita, mukhang maging ama niya kinakabahan sa sasabihin nito.

"Anak, nakausap ko na ang Tito Jimmy mo"simula nito.

Nanlalamig ang kamay niya na hinintay pa ang susunod na sasabihin ng ama niya.

"At hindi siya pumayag na hindi matuloy ang kasal mo"dugtong pa nito.

"Anong sinabi niyo papa?"kinakabahan na tanong sa ama.

"Wala akong magagawa anak, kaya tuloy ang kasal"mahina pero rinig na rinig niya.

Napatayo siya ng wala sa oras sa narinig niyang sagot ng ama niya. para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Hindi pwede papa, alam niyo naman po na si Marco ang mahal ko, siya lang ang gusto kong pakasalan wala ng iba."umiiyak niyang sagot sa ama.

Nagpalakad lakad siya ng pabalik-balik sa loob ng kwarto niya. nag-iisip siya ng maari niyang gawin.

"kakausapin ko si Tito Jimmy papa, nasaan siya"baling niya sa ama niya.

"Anak, kahit kausapin mo siya wala ka na din magagawa nakahanda na ang lahat"sagot ng ama.

"Hindi ako susuko papa, kailangan kong kausapin si Tito Jimmy ngayon, hindi ako pwedeng magpakasal sa iba. I'm pregnant papa, at si Marco ang ama"desperada na niyang sabi sa ama niya.

Nanlalaki ang mata ng ama niya na nakatunghay sa kanya, halatang nabigla ito sa sinabi niya.

"Your pregnant?!"gulat na napalingon naman siya sa pintuan.

Nandoon si Marco kasama ang mama niya na gulat na gulat ding nakatingin sa kanya. mukhang napakinggan ng mga ito ang pinag-uusapan nila ng ama niya.

"Yes"nanghihina niyang sagot.

She's four weeks pregnant, hindi totoong regla ang dumating sa kanya noong nasa Palawan sila noon, nagbawas lang marahil kaya siya dinugo dahil isang araw lang iyon.

Napansin niyang may nagbabago sa katawan niya kaya naman nagpacheck up siya noong nasa ospital sila noon habang nakaconfine pa ang daddy Harrison ni Issay. Kaya naman nalaman niyang buntis siya.

Wala pa siyang balak na sabihin kay Marco ito kasi nga gusto sana niyang ayusin muna ang lahat.

"Damn it Kyla, kailan mo pa nalaman na buntis ka? May plano ka bang itago sakin ito?"galit na nilapitan siya ni Marco.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon