Ten
Kyla...
Halla siya...
Paano siya ngayon lalabas ng eskwelahan niya na hindi siya nakikita ni Marco.
Ngayon ang araw ng usapan nila ni Marco na kakain sila sa labas nito pero hindi niya alam kung paano niya ito tatanggihan ngayon.
Naiisip kasi niya na baka talagang magkakasakit na siya sa puso ng tuluyan kapag nakipagkita pa siya kay Marco.
Kaya naman nagcutting class siya para mas maaga siyang makauwe ngayong araw para naman hindi na siya nito makita pa sa school nila.
"Masakit ba talaga ang tyan mo?"tanong sa kanya ni Carla.
Gaya niya nagcutting class na din ito para naman daw may mag-aalaga sa kanya.
"Oo girl"alanganin na sagot niya.
Nasa boarding house na sila ngayon, nakahiga siya sa kama samantalang hindi naman alam ni Carla ang gagawin nito sa kanya.
Hindi naman totoo na masakit ang tyan niya, nagdadahilan lang talaga siya para maaga silang makauwe para maiwasan niya si Marco.
"Girl may tanong ako"agaw niya sa pansin ng kaibigan niyang hindi na alam ang gagawin.
"Ano?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Kapag ba nakaharap ka sa mga lalaki bumibilis ang tibok ng puso mo?"simula niya.
Napatigil ito sa ginagawa nitong pagbibihis at kunot noon a tiningnan siya nito.
"Bakit? Inlove ka na ba?"balik tanong nito.
"Inlove?"balik tanong din niya.
"Oo, sino ang nagpapabilis ng pintig ng puso mo?"naupo na ito sa tabi niya at halata sa mukha nitong interesado na ito.
"Si Marco"pag-amin naman niya.
Nagulat nalang siya ng parang naiipitan sa kung saan ang kaibigan niya kung makatili ito.
"Ayeii...dalaga ka na bakla"sabi pa nito.
"Matagal na akong dalaga, girl. Noong 13 years old pa ako niregla"sagot niya.
Natigilan ang kaibigan niya sa pagtawa at nakatingin lang sa kanya, titig na titig lang ito sa mukha niya kaya naman nagulat siya sa bigla itong bumunghati ng tawa ang kaibigan niya.
"Ikaw bakla, ang akala ko pa naman nakalimutan mo na ang pagiging slow mo...un nalaman pala pinagpahinga mo lang ang katangahan mo"sabi nito habang tumatawa.
"Aray naman girl"reklamo niya.
"Hindi ko naman sinabi na dalaga ka na kasi niregla ka na"dagdag pa nito habang tumatawa pa din.
Inirapan niya ito.
"Sinabi kong dalaga ka na kasi inlove ka na"hinampas pa siya nito ang braso niya.
Napabangon naman siya ng wala sa oras sa sinabi nito.
"Paano mo naman nasabi na inlove na ako?"takang tanong naman niya.
"Ikaw naman kasi sabi namin sayo ni Issay magbasa-basa ka ng mga romance novel. Pinahihiram ka pa namin ng pocketbook noong high school tayo ayaw mo pa"sagot nito.
"Sabi kasi ni mama---"
"Sabi ni mama...sabi ni mama..puro ka naman kasi sabi ni Mama..hindi lahat ng sinabi ng mama at papa mo gagawin mo na bakla. Hindi ka mag-eenjoy kung kahit minsan hindi ka makikinig sa kanila"saway nito sa sasabihin pa sana niya.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS