Twenty-four
Kyla...
Mabilis lang lumipas ang araw sa kanila ni Marco, mula noong araw na nagkasakit siya mas maging mas close silang dalawa. hindi lang sa binata siya naging close maging sa ina at kapatid nito.
Mas madalas pa nga na kasama niya ang ina at kapatid ni Marco. Nauunahan pa ng mga ito si Marco sa pagsundo sa kanya sa eskwelahan para lang isama sila ni Carla sa kung saan gustong pumunta ng mga ito.
Tulad nalang ngayon nasa isang spa house sila ngayon at nagpafull body massage, body scrub, foot spa, facial, at kung ano pa ang ipagagawa ng mag-ina ipapagawa din sa kanilang dalawa ni Carla.
"Bakla panalo ang biyanan mo. Ang bait sobra"sabi ni Carla habang minamasahe ito.
"Biyanan? Grabe ka naman Carla..."sagot lang niya.
"Oh, totoo naman ang bait talaga ni Tita Margaret"dagdag pa nito.
Hindi na siya nagsalita pa, hahaba pa ang usapan nilang dalawa.
Natapos ang pinagawa sa kanila maging ang mag-ina pero hindi pa din sila umuwi agad. Naglibot pa sila sa mall at binilhan sila ng mga ito ng kung anu-ano.
"Galit ba sa pera ang mga ito?"bulong sa kanya ni Carla.
"Ha? Bakit anong ginawa sa kanila ng pera at galit sila sa pera?"maang na tanong niya.
Napatigil naman sa paglalakad ang kaibigan niya at tinitigan siya. Ilang minuto din siya nitong tinitigan bago ito naiiling na nagpatuloy sa paglakad.
"Baon mo pa din pala ang katangahan mo Kyla, kala ko pa naman graduate ka na dyan."ani pa nito.
Nakasimangot lang siya na nakasunod sa kaibigan niya.
Gabi na sila hinatid ng mag-inang Margaret at Madison, nahihiya na nga siya kasi ang dami ng naibigay sa kanya ang mga ito.
"Mom, Madison will you please stop snatching Kyla from me"inis na bungad sa kanila ni Marco.
Hindi niya inaasahan na madadatnan pa nila si Marco sa labas ng boarding house nila ngayon.
"Will you please stop over reacting kuya."nakairap naman na sagot ni Madison sa kapatid.
Tumatawa lang naman ang mama ni Marco habang nakatingin sa kanila.
"Tita Salamat po sa libre"pasasalamat ni Carla sa ginang.
"Your welcome Carla"magiliw na sagot naman nito.
Nilapitan niya ito at bumeso na siya para magpaalam sa ginang.
"Ingat po kayo Mommy Margaret"aniya pa.
Pinilit na kasi siya nitong tawaging mommy ang ginang kaya iyon ang tawag niya dito.
"We will, sige na pumasok na kayo baka macurfew pa kayong dalawa. at ikaw naman Marco umuwi ka na nakita mo naman na si Kyla. Safe ko naman siyang binalik dito"baling ng ginang sa anak.
Nakasimangot lang si Marco na nakatingin sa kanila, pero hindi naman ito kumilos hangga't hindi pa umaalis ang ina at kapatid nito.
"Susunod nalang ako Carla sa loob"baling niya sa kaibigan.
"Okay"sagot lang nito at pumasok na sa loob.
"Saan ka na naman dinala nila Mommy ngayon?"nakasimangot na tanong sa kanya ni Marco ng maiwanan silang dalawa.
Nilapitan niya ito at pinisil ang mga pisngi nito.
"Ang cute mo kapag nakasimangot ka"nangiti niyang puna sa binata.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomansaSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS