Eighteen

36.8K 905 26
                                    

Eighteen

Kyla...

Pangatlong araw na niyang iniiwasan si Marco.

Sa tuwing umaga, mas paaga ng paaga ang pagpasok niya kasi alam niya mas inaagahan din ni Marco ang pagpunta sa boarding nila para sunduin siya.

Sa buong maghapon naman nakikiusap siya sa mga prof nila na kung maari maaga niyang matake ang lahat ng exam nila na nakaschedule sa araw na iyon. Nagdadahilan nalang siya para pagbigyan siya ng mga prof nila.

"Hoy bakla, may napapansin ako sayo"sita sa kanya ni Carla.

Alam niya kung ano ang napapansin nito na sinasabi ni Carla.

"Masakit Carla"hindi niya napigilan ang emosyon niya.

Salitang masakit palang ang nasabi niya naiyak na siya paano pa kaya kung iku-kwento na niya ang buong pangyayari baka himatayin na siya.

Nilapitan siya ng kaibigan at niyakap siya nito na hinahagod ang kanyang likuran.

Sa simpleng gesture ng kaibigan kahit papano gumaan ang pakiramdam niya.

"Shhh, tahana hindi siya worth it ng mga luha mo"pag-aalo pa nito sa kanya.

Ilang minuto din silang ganon ng kaibigan niya, ibinuhos niya ang lahat ng luha niya sa balikat ng kaibigan niya.

Nang mahimasmasan siya, ikinuwento niya ang lahat ng nalaman niya sa kaibigan niya.

Wala siyang tinira maging ang paghalik halik sa kanya ni Marco kinuwento niya din dito, pati ang nararamdaman niya.

"Ang sad bakla, first love mo heartache agad"komento ng kaibigan niya ng matapos siyang magkwento.

Ang akala niya kanina naibuhos na niya ang lahat ng luha niya pero hindi pa pala, kasi naman habang nagkukwento siya patuloy pa din siya sa pagluha.

"Keri mo yan, sige lang iiyak mo lang ngayon. Bukas wag ka ng umiyak ha. Kundi sasapakin na kita. Hindi ka kasi nakinig akin, naku pag itong si Issay umiyak din ng dahil sa Malik na iyon ewan ko nalang. Baka pasabugin ko na ang mga patutoy ng mga hinayupak na iyan"nanggagalaiting komento ni Carla.

Buti nalang nandito ang kaibigan niyang ito, kahit paano gumaan ang pakiramdam niya. hindi gaya noong mga nagdaang araw na kinikimkim lang niya ang lahat.

"Girl, pwede bang ikaw na magbalik ng cellphone kay Marco"pakisuyo niya sa kaibigan.

"No problem, akin na at ng maisampal sa kanya"sagot naman nito.

Hindi na niya binuhay ang cellphone iyon mula noong birthday ng mommy ni Marco.

Hangga't maaari ayaw niyang magkaroon ng komunikasyon sa binata. Tama na ilang gabi na lihim siyang umiiyak dahil sa sakit.

"Iiwasan ko na siya mula ngayon Carla"sabi pa niya sa pagitan ng mga piping hikbi niya.

"Hay, sayang first mo pa naman iyan. Pero atleast natuto ka na ngayon, alam mo na ang gagawin mo sa susunod"pangaral sa kanya ni Carla.

"Sorry"hingi niya ng paumanhin sa dalaga.

"Ano k aba, bakit ka magsosorry sakin."niyakap na naman siya nito ng napahagulgl na naman siya.

"Hindi mo kailangan na humingi ng sorry sakin bakla, ganyan talaga ang love unconditional kahit harangan ka ng sandamak-mak na taong hahadlang sa pag-iibigan niyo hahamakin ang lahat masunod lang ang tinitibok ng puso. Nga lang sayo kasi sa maling tao mo naramdaman, good thing is nalaman mo ng maaga. Hindi mo pa naibigay lahat, ni hindi mo nga siya naging boyfriend kaya tama na iyan bakla. Makakamove on ka din, nandito lang ako tsaka si Issay. Di ba next sem makakasama na natin siya sa school. Buo na ang power puff girls"pagpapalakas nito ng loob niya.

My Innocent Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon