Twenty-three
Marco...
Nakalutang sa alapaap, kulang pa yata iyon na description sa nararamdaman niya ngayon na okay na sila ni Kyla. Para kailan lang hirap na hirap siyang hanapin si Kyla, kahit anong gawin niya hindi niya talaga ito matagpuan. Samantalang boarding house at eskwelahan lang naman ang pinupuntahan nito.
Sa loob ng halos tatlong buwan na pagpapatintero nilang dalawa ngayon okay na.
"Good morning Kyla"bati niya sa dalaga.
Nginitian lang siya nito ng pilit at mukha pa ngang ngiwi ang nagawa nito.
"May problema ba? May masakit ba sayo?"nag-aalalang tanong niya sa dalaga.
"Wala, masakit lang ulo ko"sagot nito.
"Masakit ang ulo mo gusto mo dalin kita sa clinic or better yet sa hospital"nag-aalala niyang sagot dito.
Natawa naman si Carla na hindi niya napansin na kasunod pala ni Kyla.
"Ang OA ha Marco, sakit lang ng ulo hospital agad."pang-uuyam sa kanya ni Kyla.
Napasimangot naman siya, anong gagawin niya sa ayaw nga niyang may mangyaring hindi maganda kay Kyla. Paano kung hindi lang pala simpleng sakit ng ulo ang nararamdaman nito, mas maganda ng handa kaysa naman lumala pa.
"I'm okay, masakit lang ulo ko. Tara na may long quiz pa kami and madami pa kaming tatahiin na mga damit sa school"turan lang ni Kyla sa kanya.
"Are you sure?"paninigurado niya.
"OA talaga"bulong ni Carla.
Hindi na siya sinagot pa ni Kyla, hinila na kasi ito ni Carla palabas ng boarding house. Kasabay na nila itong pumapasok ngayon dahil tumigil pansamantala si Jake sa panliligaw kay Carla dahil na din sa hiling ng dalaga.
"Maaga ka na lang umuwi mamaya Kyla please. I'm so worried about you"aniya ng nasa tapat na sila ng gate ng eskwelahan nito.
Nakababa na din ang kaibigan nito kaya sila nalang dalawa sa loob ng sasakyan.
"Titingnan ko, kasi madami kaming project na kailangan na taputsin"sagot nito.
"Tsk, mas mahalaga naman ang kalusugan mo."pagpupumilit niya.
"Okay, text kita"sagot nito.
Magsasalita pa sana siya ng katukin na ito ni Carla, mukha na itong naiinip sa labas kaya naman lumabas na si Kyla sa sasakyan.
"Ang akala ko nag make out pa kayo sa loob"narinig niyang pagsusungit ni Carla sa dalaga.
"Pwede ba, girl kung anu-ano iniisip mo."saway naman ni Kyla dito.
Napailing nalang siya ng magsimula ng maglakad ang dalawa at hindi na siya naalala pa ng mga ito.
Ayos na siya sa ganitong set up atleast nakikita at nakakasama na niya ulit si Kyla.
Hindi niya masimulan na tanungin ang dalaga kung alam nito kung nasaan si Issay para sana matulungan niya ang kaibigan niyang si Malik.
"Hello bro, hindi ako makakapasok ngayon kayo na bahala sakin ha"paalam niya kay Benjamin.
Si Malik ang tinatawagan niya kaso mukhang busy kaya si Benjamin na ang kinausap niya.
"Bakit na naman?"takang tanong ni Benjamin sa kanya.
"May sakit kasi si Kyla. I will stay here at her school baka kasi bigla niya akong kailanganin"paliwanag niya.
"Nakng, bro hindi mo pa girlfriend bantay sarado mo na masyado"tumatawang pang-aasar sa kanya nito.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (COMPLETED)
RomanceSide story of My Playboy Boss Marco and Kyla Cover by: PANANABELS